CHAPTER》72 The Finale 3:

9.1K 288 64
                                    

EUMEE point of View...

Nanatiling pumalakpak si Wage at Luxx habang papalapit sila sakin. Ang kanilang ngiti ay abot tenga dahil sa nasaksihan ngayon. Si Luxx na panay iling at tila hindi makapaniwala sa narinig. Si Wage na sobrang gulat ang mukha at halos hindi maguhit ito.

Patay!

Mukhang hindi na ako makakatanggi ngayon.

“Grabe Eumee...ang ganda-ganda ng boses mo..” Si Luxx na panay ang iling habang pumalakpak parin. Napakati ako sa batok. Hindi ko alam kong pano sila sagotin. Bumaba ako mula sa stage saka sila nilapitan.

“Sinasabi ko na nga ba't boses mo talaga 'yong narinig ko, nong time na mag-isa ka sa many forest eh.. ” Si Wage na hindi parin makapaniwala. Wala na akong kawala at mukhang nahule na nila ako. OMG! Anong gagawin ko? huhu..

   
“A-h kasi ano...hmhmhm!” Utal ko. Hindi ko alam kong anong isasagot ko sa kanila. Nakapamulsa silang nakatitig sakin. Pano naman kasi parang anghel 'tong dalawang to, nakakabara sa lalamunan kong kaharap mo ang isa sa Dark narrow band.

“Eumee huwag ka ng mag-sinungaling dahil nahuli ka nanamin. Bakit di mo sinabi samin na magaling ka palang kumanta!” Si Luxx sa sobrang lapad ng ngiti. Hindi naman ako magaling eh. Napanguso ako sa sinabi nila.

“Hindi naman ako magaling eh. Marunong siguro.” Sagot ko na ikinatawa ng dalawa. Totoo naman 'yon. Hindi ako magaling sa pag-kanta, marunong lang.

“Pero ang galing mo talaga eh. Kakaiba ang boses mo Eumee. Pano mo naitago samin yon? sa mga kaibigan mo. Alam ba nila na marunong kang kumanta?” Si Luxx. Tanging si Morgan lang ang may alam sa talento ko. Nakakahiya talaga dahil narinig pa nila akong kumanta.

Hindi ako makasagot sa tanong ni Luxx.

“T-tika lang..” Biglaang sambit ni Wage.“Diba may competition bukas sa kantahan? pano kaya kong sumali ka sa patimpalak. I'm pretty sure, you're gonna win..” Dugtong ni Wage na ikinatahimik ko. Sumali? ewan ko dahil matagal ko ng kinalimutan ang ganyang bagay. Gusto ko lang naman mag-tago sa maskarang palaging naka-ngiti sa harap nila. O maging kay Scire!

    
“Oo nga dude noh...” Pasang-ayon ni Luxx. “Sumali kana Eumee..Sigurado akong ma-ilalampaso mo lahat ng mga kalaban mo bukas.. Just try to expose your voice..Dugtong ulit ni Luxx. Nakagat ko ang labi ko. Naeeng-ganyo akong sumali ngunit ayaw ko rin namang kalabanin si Phobee. Sya na ang napili ni Ma'am Casim-siman at ayaw kong maging unfair pag ganon. Naiisip ko tuloy kong sasali ako, baka mas lalo lang magalit sakin si Phobee. Mas mabuti nalang na huwag na. Tutal matagal ko ng kinalimutan ang pag-kanta. Kakain nalang ako baka sasaya pa ako pag ganon..

“Hindi na siguro..May representative na kasi sa section namin. Si Phobee 'yong kakambal ko...” Sagot ko sa dalawa. Nag-katinginan si Wage at Luxx.

“Yeah, I met her lately. Ang ganda niya pala noh? Single ba 'yon? baka pwede mo naman akong ilakad sa kakambal mo Eumee o-h..” Humalakhak si Luxx rason kong bakit umalingaw-ngaw ito sa music hall. Biglaan sya binatokan ni Wage kaya dahan-dahan syang natahimik.

“Aray naman...Pag-mamaktol ni Luxx. Humagik-ik ako! “Panira ka ng moment Wage huh..Seryoso ako dude..Katulad ni Phobee ang mga tipo ko.. Humble na dugtong ni Luxx. Nagkatitigan silang dalawa na para bang may pinag-uusapan sa isat-isa.“Ano Eumee, single ba yong kakambal mo? hehe..Hagik-ik ulit nito. Natawa ako bilang sagot. Hayy ewan ko talaga kay Luxx. Tinatanong ako kong single si Phobee, eh kita niyang nag-iisa lang si Phobee. Kailan lang 'yon naging double? hayy ayaw ko ng sumagot. Nakaka bobo si Luxx.

Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon