CHAPTER》32

7.3K 235 30
                                    

Pagkatapos ng mahabang pagkilatis at sagotan ay pinalabas na kami nang mga judges. Sobrang lapad ng ngiti ko ng lumabas sa silid. E'chicheck ng limang Amerikano ang mga sagot namin kaya hindi ko maiwasang kabahan!

"OMG! Eumee, how's the test?" Si Sassy na agad akong niyakap ng mahigpit.

"Okay lang! Hindi naman mahirap."  Kalmado kong sagot! lumapit samin si Ma'am at Mr. Principal.

"Congratulation, Eumee." Inabot ni Mr. Principal ang kamay ko. Sabay kaming nag shake hands. "Hindi ako nagkamali sa pagpili sayo. Sobrang galing mo kanina." Napangiti ako sa saad ni Mr. Principal. Sobrang sarap sa pakiramdam!

"Sigurado ka ba sa mga sagot mo kanina?" Sambit ni Ma'am Casim-siman. Syempre! Sigurado ako non noh! Ang tanong ay sigurado akong nagugutom na ako huhu!

"Opo Ma'am, Madali lang naman Hehehe.." Masaya kong sambit kaya nag taas ito nang kilay

"Dapat lang Miss, Flores dahil pag napasa mo ang baitang na ito. I will input to my class record more than 30% sa performance mo!" Namilog ang mata ko sa sinabi ni Ma'am. OMG! "But, if you'd passed this contest!" Dugtong niya.

"Yey, Thankyou Ma'am. Im super sure na mananalo tayo!" Tumalon-talon ako sa tuwa habang pumalakpak. Bahagyang nag-taas ng kilay si Ma'am.

"OMG! Eumee, we have to go!" Agad kong tinignan si Sassy habang nakatuon ito sa phone niya.

"Huh? Bakit? Saan tayo pupunta?" Takhang ko.

"Candys, Text me. Tapos na daw ang drawing contest and we have to go to the gymanasium. Mag-sisimula na ang Camp rock!" Excited niyang wika habang literal itong natutuwa. Sumulyap ako kay Ma'am at Mr. Principal.

"Mr. Principal, Pwede na po ba akong makaalis?" Puppy eyes ko.

"Yes pwede na! Hinihintay nalang namin ang resulta kong sino ang mananalo." Wika ni Mr. Principal.

"Oh my God.. Thank you Mr. Principal. Aalis na po kami!" Hinila agad ako ni Sassy.

Hindi ko alam kong pano ako nakatakbo ng mabilis! Hila-hila ako ni Sassy. Sobrang warrior ng babaeng ito at nagawa pa talaga akong hilahin patakbo.

Walang studyante sa bawat room at mukhang lahat ay nasa gym na. Hingal na hingal na ako!

"Sassy, Sandali lang!" Napahinto sya saka ako huminto. Hawak-hawak ko ang magkabila kong tuhod. "Bakit ba tayo tumatakbo?"

"Baka kasi nag-sisimula na ang Camp rock. It's my very first time to experience this. Wala kasing ganitong kasiyahan sa canada. Isa pa, na e'excite na akong ma meet ang bawat band na kakanta! Omoooooo! We should be hurrry, Eumee." Sunod-sunod niyang saad habang kinikilig ito. Kinati ko ang batok ko.

"E-h kasi gutom na ako, Kain muna tayo please!" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Gumuhit ang iritasyon sa kanyang mukha.

"Eumee, mamaya nalang pagkatapos ng camp rock please!" Pag-mamaktol niya. Hayy pano ba ito? Gutom na ako eh!

"Sige ito nalang mauna ka nalang kina Candys. Tapos pupunta muna ako sa canteen, at babaonin ko nalang ang pagkain. Tapos susunod din ako sainyo sa gym!" Umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ko.

"Sigurado ka huh?" Ismid niya. Tumango ako agad! "Sige, tatawagan lang kita kong nasan kami. Okay!" Naki beso-beso ito saka ako dali-dali akong tinalikuran.

Pinapanunuod ko muna syang pababa ng hagdanan saka ko napagpasyahang tumungo sa canteen. Halos wala nang studyante sa bawat building ng school. Sigurado akong sobrang sikip na ng gym ngayon.

Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon