Nanatiling nakatayo si Scire sa gilid namin."Eumee, mauna na kami sayo. Pahingi ulit huh.." Si Luxx saka kumuha ng tatlong cookies. Ngumuso ako! "Tayo na dude," Hinila ni luxx patayo si Wage.
Hindi na muling nagsalita si Wage. Pinapanunuod ko silang paalis. Sumulyap ako kay Scire sa gilid.
"Oh, bakit?" Ngisi ko. Nakapamulsa itong nakatitig sakin. Ngumuso ako! ano bang problema niya't ganyan sya makatitig.
"Bakit mo kausap ang dalawang 'yon?" Iritasyon niyang tanong. Dalawa? Si Wage ba at Luxx ang tinutukoy niya? Hmmhm bakit anong mali? Huwag mong sabihing masamang jablo ang dalawa. OMG! Bakit kaya hindi ko naisip 'yon. "Hoy, baboy! Tinatanong kita kong bakit mo kausap ang dalawang hambog na 'yon.." Bulyaw niya. Ngumuso ako! Grabe, hindi naman ako bingi eh, narinig ko kaya. Hayy ito talaga si Scire inuulit pa.
"Ano nga 'yong tinatanong mo Scire?" Namilog ang mata niya. Umigting ang panga niya sa galit at iritasyon. Humalukip-kip ako! Tignan nyo na galit ulit.
"Bino bobo mo ba ako baboy huh?" OMG! hindi kaya huhu.. Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko sya maintindihan eh, bakit sya nagagalit na kinakausap ako ni Wage at luxx. Gosh, tama nga ako. Isang masamang jablo ang dalawa. Waaaaaa! Dali-dali akong lumapit kay Scire saka pinulupot ang dalawa kong kamay sa braso niya. Humalukip-kip ako sa gilid niya.
"Waaa! Bakit di mo sinabi sakin na masasamang ispiritu pala si Wage at Luxx, edi sana umiwas nalang ako sa dalawa. Huhu! Nakakatakot Scire.." Sinubsob ko ang mukha ko sa braso niya. Nanindig ang balahibo ko sa takot. Kinakausap ako ng dalawang jablo.
"Kumain ka ba?" Bagsak boses niya. Inangat ko ang ulo ko saka sya tinignan. *Dug dug dug* Naririnig ko ulit 'yon. Pati ba naman sya? Akala ko ay kay Morgan ko lang 'to nararamdaman. Tika lang bakit niya tinatanong.
"Oo, naman.. Bakit mo tinatanong? Manglilibre ka ba?" Malapad ko ng ngiti. Ngumiwi sya, ngumuso rin ako. Nanatili akong nakahawak sa kanya!
"Tss, umaandar nanaman ang kabaliwan ng baboy na 'to.." Usal niya habang nakatingin sa ibang direksyon.
"Scire, may sinasabi ka?" Nguso ko. Natawa sya. Anong nakakatawa? Huwag mong sabihing? Agad akong umatras. Niyakap ko ang sarili ko. Nakakatakot si Scire. OMG! huwag mong sabihing. Kumunot ang noo niya sa ginawa kong pag atras.
"Hoy, baboy ano nanaman yang iniisip mo?" Bulyaw niya sakin. OMG! Tama ako, huhu..
"Scire," Nginig boses ko. "Isa ka sa masasamang ispiritu noh? OMG! Hoy jablo umalis ka sa katawan ni Scire. Umalis ka.." Bulyaw ko habang niyayakap ang sarili. Halos hindi ko na maguhit ang mukha ni Scire sa iritasyon. Umuusok ang tenga niya sa galit. Waaaaaaa! "Scire, huwag mo akong saktan, ako ito si Eumee.." Nginig boses ko. Lumapit sya sakin na kaunti.
"Pag di ka tumigil sa kabaliwan mo, liletchonin na talaga kita.." Ma awtoridad niyang saad. Namilog ang mata ko. Kong ganon nagkakamali ako, hindi jablo ang pumasok kay Scire kundi isa na sya sa mga apocalypto. OMG! Nabigla ako sa ginawa niyang pag pitik sa noo ko. Aray nama huhuhu, hinimas ko 'yon. "Yong utak mo nasa ibang planeta! Panget ka na nga, baliw pa." Huli niyang sabi saka ako tinalikuran. Utak ko raw nasa ibang planeta! Wow amazing hehe. Hayy mabuti pa si utak na experience na yang sumakay ng spaceship, samantalang ako kahit jeep hindi pa ako nakakasakay. Ma try ko nga pa minsan-minsan, tapos lilibotin ko ang buong manila. Ang saya siguro non noh? Para lang akong mag fieldtrip. Tika lang? OMG!
Hinanap ng mata ko si Scire, naglalakad na sya sa ground. Dali-dali akong tumakbo patungo sa kanya. Gosh, iniwan niya ako sa many forest. Pano kong bumalik si Wage at Luxx.
BINABASA MO ANG
Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]
Fanfiction-S E A S O N [1]- Isa lang akong Simpleng babae, as in sobrang simple.. Natural beauty.. √ Magandang katawan..√ Kinahangaan ng buong bayan..√ Sobrang sexy..√ at syempre super pretty.. √ Pero ang totoo,char-char lang yan.Hehe isa lang yan sa mga imah...