"UY MGA BRUHA! sige na kumuha na kayo oh. masarap itong yema ko. mura lang naman siya. sige na!"
pamimilit ko sa aking mga kasamahan sa trabaho na bumili ng mga yemang itinitinda ko. nasa canteen kami ngayon. lunch break namin at palihim akong nagtitinda sa kanila. bawal kasi sa company ang magbenta ang mga empleyado. ewan ko ba kung bakit may ganun pang rules? as if naman ikakalugi ng company nila.
"uy jodie, kumuha kana ng yema ko. masarap ito promise, sige na."
"naku grace, hindi naman ako mahilig sa yema e. itong si abby baka gusto."
sagot nito sabay baling nga kay abby ngunit umiling din.
"sige naman na mga bakla. bumili na kayo. alam niyo naman na kailangang-kailangan ko ng pera ngayon dahil sa nangyari sa lolo ko. marami akong utang na dapat bayaran. sige na oh, please."
"naku pasensiya na talaga girl kaso hindi talaga ako mahilig sa yema at saka naku itago mo na yan baka mahuli ka pa ng leader nating si Roxxane. lagot ka dun kapag nahuli ka niya. tiyak na isusumbong ka agad nun sa boss natin."
pagkatapos nga ng sinabing yun ni jodie. agad naman dumating ang babeng maldita at tinaong kami kung ano ang nangyayari. hindi pa man ako nakakasagot o ni isa samin. nakita na niya ng mga binebenta kong yema na nakalagay lahat sa mesa.
"ano ang ibig sabihin nito grace? nagbebenta ka?"
alanganin akong tumingin sa babaeng maldita bago siya sinagot.
"ah ate roxx. kunting pagkakakitaan lang naman yan. kailangang-kailangan ko lang kasi talaga ng pera."
"hindi ba't sinabi ko na sayo ang mga rules and regulations dito. at isa na dun ang bawal magbenta sa loob ng kompanya? hindi kaba nakakaintindi? hay naku ipapaalam ko talaga ito kay sir. ang kulit-kulit mo."
" ate roxx naman! huwag mo ng ipaalam ito kay sir oh. siya itatago ko na. hindi nako magbebenta. basta huwag mo nalang isusumbong ito kay sir."
napaawang ang labi ng babaeng maldita sabay tumawa ng nakakaloko sakin. hindi ko naman maiwasang mainis sa tinuran niyang yun.
"si Gracielyn Manalo nakikiusap sakin pagkatapos niya akong awayin ng mga nakakaraang araw? nakikiusap sakin na huwag ko siyang isuumbong? im sorry my dear pero hindi ko magagawa ang gusto mo. nagkamali ka, kaya dapat ko lang i-report ito kay sir."
"ngayon lang naman ako nagbenta dito sa loob ng kompanya. baka naman puwede mo ng i-consider yun at promise hindi ko na uulitin. hindi na ako magbebenta dito sa loob basta---"
"anong meron dito?"
natutop ko nalang ang aking bibig nang makitang nadun na pala si sir ethan at nakatingin siya ngayon sa mga yemang binibenta ko. diyos ko naman! ano naman ang ginagawa ngayon ni sir sa employee's canteen? kung kailan nagbebenta ako ng yema?
"ano yang mga yan miss. manalo?"
tanong ni sir ngayong nakatingin na sakin.
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomantikSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...