CHAPTER 66

1.1K 30 3
                                    

"ETHAN!" Malakas kong sambit sa pangalan ng asawa ko nang makita ko siyang sumisigaw habang hawak ang kaniyang ulo. sa aking sobrang pag-aalala. kulang nalang madapa ako upang madaluhan siya agad.

"Ethan..."

muling sambit ko nang ako ay makalapit sabay nag-aalalang niyakap ito at sinandig ang ulo sa dibdib ko.

"baby, anong nangyayari sayo?!"

nagaalala kong tanong kay ethan kapagkuwan at hindi malaman kung ano ang aking gagawin sa kaniya. nalilito ako. hindi ko alam kung iiwanan ko ba muna siya saglit para tumawag ng ambulansiya o ang manatili nalang ako sa tabi niya dahil sa pag aalala?

makalipas ang ilang minuto. unti-unti namang tumigil si ethan sa kaniyang pagwawala at nang mahimasmasan. nakatingin lang siya sakin ngayon na para bang mine-memorize ang aking mukha.

"Grace" sambit ni ethan sa pangalan ko habang nakatitig siya sakin.

"Ethan? k-kamusta na ang pakiramdam mo? bakit kaba nagsisisigaw? masakit na masakit ba ang ulo mo ha?"

sunod sunod kong tanong, ngayon namang hawak ko ang magkabilaang pisngi niya.

"ethan, sabihin mo sakin. ano ba talaga ang nangyayari sayo kanina? gusto mo bang pumunta tayo ngayon sa hospital? g-gusto mo ba na---"

"no, i-im okay!"

bigla ay wika ni ethan sabay kumawala sakin at nagmamadaling maglakad palayo. sinundan ko naman ang asawa ko at nakita kong nagtungo siya sa banyo.

*********************************

PAGKASARANG pagkasara ko pa lang sa pintuan ng banyo.. pagod na pagod ang aking pakiramdam at hinihingal nang makarating doon dahil sa nangyari sakin kani-kanina lang. sa sobra kasing frustration na nadarama ko kanina, bigla nalang sumakit ng matindi ang aking ulo at ang sumunod nalang na nangyari ay ang senaryong nag FLASHBACK sa utak ko.

ang senaryo kung saan parte ng mga nangyari sakin noon na siya namang nakalimutan ko dahil sa pagkaka amnesia ko.

ang senaryong nanumbalik sa aking alaala ay yung time na kasama ko si grace sa isang simbahan noong nasa baguio kami. nangako sa isa't isa na magmamahalan kahit pa anong mangyari. sa aking naalalang yun. hindi ko maikakaila ngayon na totoong minahal ko nga si grace. pero bakit ganun? kahit pa man nag flashback na yun sa utak ko upang maalala ko ulit. wala pa rin akong madarama ni kahit ano dito sa puso ko para sa asawa ko?

"DAMN IT ETHAN! ANO BA ANG NANGYAYARI SAYO?!"

naisigaw ko dahil sa galit sabay inihagis sa kung saan ang isang bagay na nadampot ko nalang.

"ethan, anong nangyayari sayo diyan? okay ka lang ba?"

nag aalalang tanong sakin ni grace mula sa labas ng pintuan ng banyo at ako naman, napahawak nalang sa aking noo sabay isinigaw kay grace na....

"im fine! okay lang ako. please, hayaan mo muna akong mapag isa"

"ethan, baka kung ano na ang nangyayari sayo? mabuti pa siguro kong pumunta na tayo sa hospital para masabi natin sa doktor ang nangyari sayo ngayon at para ma-check up kana din nila"

huminga ako ng malalim dahil sa kakulitan ni grace bago sumagot sa kaniya.

"i said im fine! nakikiusap ako sayo grace. pabayaan mo nalang muna ako okay?!"

"pero ethan, mas maganda kasi kung---"

"grace, sinabi ko ng okay ako diba? ayoko ng makulit, please!"

iritado ko ng sigaw dahil sa kakulitan ni grace. ganun pa man hindi na nga umimik pa si grace sa pagsigaw kong yun at marahil sa wakas nakaintindi din siya sa simpleng pakiusap ko.

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon