CHAPTER 35

1.7K 37 7
                                    

"GRACE, ETHAN! mabuti naman at nandito na kayo. ang akala ko, hindi na kayo pupunta!"

agad na bungad at salubong ni tito fernand samin ni grace nang makita kami.

agad na bungad at salubong ni tito fernand samin ni grace nang makita kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"puwede ba naman yun tito e birthday ninyo. pasensiya na ho talaga kayo kung na-late kami ng dating ni grace. na-traffic kasi kami!"

hinging paumanhin ko kay tito dahil sa magna-nine na nga ng gabi nang makarating kami ni grace sa venue ng birthday party nito. at pagkatapos nun. ibinigay ko na rin ang aking regalo dito.

"naku naman ethan. nag-abala ka pang ibilhan ako ng regalo e ayos lang naman sakin kahit wala. anyway, hi grace! kamusta kana hija?"

wika sakin ni tito dahil sa ibinigay kong regalo, sabay bumaling naman kay grace kapagkuwan na nasa tabi ko.

si grace naman ay ngumiti muna ng kay tamis kay tito bago rin siya bumati.

"siya nga po pala. regalo ko rin po para sa inyo sir fernand!"

sabay abot ni grace sa kaniyang regalo pagkatapos batiin si tito fernand.

"nakakahiya naman hija at nag-abala kapa"

nahihiyang wika din ni tito kay grace pagkatapos abutin ang regalo sa fiancee ko.

"naku po, okay lang po yun sir fernand! minsan lang naman po dumaan ang birthday sa isang taon. anyway. sana ho magustuhan ninyo ang regalo ko."

"naku oo naman. galing ata sayo ito. siyempre sigurado, magugustuhan ko talaga ito"

nakangiting sagot naman ni tito at si grace naman ay ngumiti nalang din bilang sagot sa sinabing yun ni tito fernand.

pagkatapos nun. niyaya na kami ni tito fernand na kumain. kukunti lang ang mga taong dumalo. mga katrabaho lang nito, kaibigan at malalapit rin na kamag-anak namin.

habang naglalakad kami ni grace papunta sa buffet table kasama ni tito fernand. mismong si tito pa ang nagpakilala kay grace sa mga kamag-anak namin.

sa ginagawang yun ni tito kay grace. ibig kong matuwa, dahil sandali palang niyang nakakasama o kailan lang niya nakilala ang fiancee ko. masyado na siyang magiliw dito. ibig ko rin magtaka at the same time kasi usually sa mga naging girlfriend ko at pati na rin sa ex-fiancee kong si angela noon e hindi siya ganun kagiliw at kalapit talaga.

pero kay grace? iba! parang may iba akong nadarama sa tuwing makikita ko si tito at si grace na magkasama.. sa totoo lang, ayokong pangalanan kung ano man ang naiisip kong ito ngayon.. dahil honestly kapag nangyari nga yun. baka ikabaliw ko.

DAMN IT! ano ba itong naiisip kong ito ngayon? kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko. marahil kaya ganun nalang kabait si tito at kalapit kay grace dahil sa nakikita nitong kabaitan at katangian ng fiancee ko. yun lang yun.

THE HECK! maybe stress lang siguro ang cause kaya kung anu-anong mga unwanted thoughts ang pumapasok sa utak ko.

yun lang yun ethan! wala ng iba pa!

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon