CHAPTER 79

1.1K 39 5
                                    

"ENZO.... ENZO...."

tawag ng mag asawang kapitbahay ni enzo na sina mang rogelio at ng asawa nitong si belinda.

agad namang lumabas mula sa kubo ang binata upang harapin ang mag asawang tumatawag sa kaniya.

"magandang umaga po mang rogelio, tita belinda. kamusta na ho kayo?"

magalang na pagbati at tanong ni enzo sa mag asawa.

ngumiti naman ang mga ito sa kaniya at binati din siya.

"maayos lang naman kami anak ko. napag alaman naming dumating ka ngayon kaya naman agad kaming nagpunta dito upang kamustahin ka.. ah siya nga pala ano ang----"

hindi na naituloy ni mang rogelio ang kaniyang sasabihin pa sana sa binata nang makita si grace na lumabas din ng kubo.

"ay may kasama ka pala enzo. sino naman siya?"

tanong ng matandang lalake at agad namang ipinakilala ni enzo si grace sa mag asawa.

"aahhhmmm.. mang rogelio, tita belinda. siya po si.... ahh.... si.. si beb"

"BEB? sinong beb?"

bigla ay tanong ni grace ng may pagtataka sa kaniyang hitsura.

lumapit naman si enzo kay grace sabay pasimpleng hinawakan ang kamay nito at pinisil yun na para bang nagpapahiwatig na hayaan nalang siya sa kaniyang ginagawa.

"beb? beb ang pangalan ba kamo ng kasama mo?"

tanong naman ni belinda sa binata.

"ah.. o-opo beb.. i mean, yun po ang nickname niya tita belinda, kasi nga. masyadong mahaba yung full name niyang PRECIOUS BABY.. kaya ayun tinatawag ko nalang ho siyang beb"

kunway pagpapaliwanag ni enzo sa mag asawa at naniwala naman ang mga ito sa kaniya.

"e kaano ano mo naman siya hijo? girlfriend mo ba siya?"

madaldal at usyuserong tanong din sa kaniya ng matandang si rogelio.

"ahhmmm.. opo girlfriend ko po siya.. ah ang ibig kong sabihin e.. mag asawa kaming dalawa"

"mag asawa?" sabay sabay pang sambit nina grace at ng mag asawa.

muli namang pinisil ng palihim ni enzo ang kamay ni grace upang ipahiwatig na umayon na lang ito sa agos ng mga pinagsasabi niya sa mag asawa.

"opo, asawa ko ho siya.. mga tatlong buwan na ang nakakaraan nung ikinasal kami at ngayon nga... daraaaaaaan.. buntis na po ang misis ko at magkakaanak na kaming dalawa"

wika ni enzo sabay itinuro pa ang tiyan ni grace at hinaplos pa yun kapagkuwan.

parang naamused naman ang mag asawa sa binalitang yun ng binata at pareho pang nag congratulate ang mga ito kina enzo at grace na ang akala ay tunay nga silang mag asawa.

"naku, alam mo enzo hindi ko talaga inaasahang may asawa kana pala. at hindi lang yun mag kakaanak na pala kayo.. nakakatuwa naman. parang kailan lang nung huli tayong magkita, mga anim na buwan na ang nakakaraan. sabi mo nun, single ka pa din dahil sa hindi mo pa nahahanap ang babaeng para sayo. pero heto ka ngayon may sarili ka na palang pamilya"

natutuwang pahayag ng matandang babae na si belinda.

ngumiti nalang si enzo sa sinabing yun ng matanda at pagkatapos nun. agad ding nagpaalam ang mag asawa sa kanila nang maalalang may mga gagawin pang iba.

nang mawala na sa paningin nina grace at enzo ang mag asawa. agad siyang tinignan ng makahulugan ni grace sabay bitiw sa kaniyang kamay na nakahawak at agad pumasok sa loob ng kubo.

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon