"BABY!"
tawag ko kay grace nang makapasok ako ng pad namin at agad kong hinanap kung nasaan siya.
"BABY!"
tawag din ni grace pagkakita sakin nang makita kong nasa loob naman siya ng kuwarto at nagtitiklop ng mga damit namin.
agad ko siyang binuhat nang magkalapit kami dahil sa aking tuwa sabay inikot ikot pa siya sa ere.
pagkatapos ng ibaba ko siya. pinaliguan ko ng halik si grace sa buong mukha niya habang paulit-ulit kong sinasabi ang salitang mahal na mahal ko siya.
hanggang sa napaiyak na din ako dahil sa tuwa na malamang buntis siya.
"oh! ano naman ang nangyari sayo at bigla nalang umiiyak ka diyan?"
puna at nagtatakang tanong ni grace sakin sabay pinunasan nito ang mga luhang nasa mga mata at pisngi ko.
"masayang masaya lang talaga ako grace kaya ako napapaiyak ng ganito. sobra akong masaya ngayon dahil hindi ko talaga lubos maisip na mangyayari satin ang ganito. i mean, darating satin ang ganitong moment pagkatapos ng mga bagyong nangyari sa relationship natin"
umiiyak kong pahayag sabay kinulong ng aking mga palad ang magkabilang pisngi nito.
"i love you so much baby. mahal na mahal kita. thank you for loving me and most o f all. maraming maraming salamat sa baby natin. sobrang mahal na mahal ko kayong dalawa"
umiiyak pa rin akong wika kay grace sabay hinalikan siya ng mariin sa kaniyang labi.
"mahal na mahal ka din namin ng baby natin ethan. salamt sa wagas mong pagmamahal sakin at ngayon, pati na din sa magiging baby natin. masayang masaya din ako ngayon dahil kahit pa man anong bagyo ang nangyari sa ating dalawa, magkahawak kamay parin tayo sa isat-isa. at ngayon nga, mas lalo pang pinatibay ang pagmamahalan nating meron tayo para sa isa't-isa dahil sa kaniya. dahil sa baby natin. i love you so much ethan"
pahayag ni grace sakin nang magyakap naman kami.
**********************************
***AFTER A WEEK***
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...