"NAKAKAINIS! mother nature patulugin mo naman na ako please..."
naiinis ko ng wika at halos tatlong oras ko ng pinipilit ang aking sarili na matulog ngunit sadyang ayaw akong dalawin ng antok talaga.
mga rason lang naman kung bakit hindi ko magawang matulog ay..
una.. hindi ko makuha ang posisyong gusto ko dahil sa napakalaki ng tiyan ko.
pangalawa.. medyo mainit ang panahon ngayon.
at pangatlo..naiinis ako kay enzo!
and speaking of enzo na makulit. tulog na kaya ang lalakeng yun? simula nung iwan ko siya sa labas ng kubo at bumalik ako dito sa loob ng kuwarto. hindi na talaga ako lumabas at nagkulong nalang ako dito.
nakakainis talaga yung lalakeng yun. ano ang pumasok sa utak nun at nagawa niya akong biruin ng ganun? ang pilyo pilyo talaga.. hmp!
anyway, ipinilig ko nalang ang aking ulo sa pag iisip kay enzo at muli kong pinilit ang aking sarili na matulog. makalipas ang ilang minuto, wala pa din nangyari kaya naman sa sobrang asar ko. marahas ko nalang naibato ang mga unan sa aking tabi sabay wala sa sariling napakamot sa aking ulo.
nasa ganun akong estado nang maya maya nalang may marinig akong tumutugtog ng gitara sabay sinabayan pa yun ng lalakeng napaka sintonado ng boses kung kumanta.
"Uso pa ba ang harana
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba
Mayron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Naka-porma naka-barong
Sa awiting daig pa ang minus one
At sing-along
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Binubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
Para sa'yo
Di ba parang isang sine
Isang pelikulang romantiko
Di ba't ikaw ang bidang artista
At ako ang 'yong leading man
Sa istoryang nagwawakas
Sa pag-ibig na wagas"
"sino ba ang kumakantang yun at sa ganitong dis oras pa ng gabi naisipang kumanta?"
naiinis kong wika dahil sa makabasag eardrum na boses ng lalakeng yun.
hindi kaya may lalakeng nanghaharana sa kapitbahay namin? nakakahiya naman itong lalake nato. hindi na lang siya nag rap o di kaya naman tumula. kumanta pa talaga, wala namang boses. nakakasakit lang ng eardrum ha. diyos ko. lalo na akong hindi makatulog nito e.
pero teka. medyo malayo ang kapitbahay namin samin ah.. imposible namang ganun kalakas ang boses nung lalakeng kumakanta. ano yun, may mic lang? at saka parang yung tinig nagmumula malapit sa bintana ng kuwartong okupado ko.
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...