"ITO si martha, siya ang asawa ko, ethan. ito naman ang anak ko at kapatid mo. si ENZO"
pagpapakilala sakin ng tunay kong ama sa kaniyang asawa at anak na nasa picture frame at nakadisplay sa kaniyang opisina.
halos kakaalis lang ng ni mama at iniwan niya kaming mag ama upang makapag usap ng masinsinan.
hindi ko alam kung ano ang madarama ko ngayon dahil sa nalaman ko. na ang lalakeng tumulong sa asawa ko nung hinimatay siya sa simbahan at nakilala ko sa HYPERMARKET noon ay KAPATID KO!
sino ang mag aakala na bago ko pa man makita at makilala ang tunay kong ama. nakita at nakilala ko na ang kapatid ko sa ama.
napapangiti na ewan at napapailing nalang ako sa aking naiisip ngayon. nakita naman yun ng daddy ko at tinanong ako nito.
"wala ho d-dad. naisip ko lang kasi na.. parang ang weird lang kasi.. nakita at nakilala ko na ang kapatid ko bago pa man ninyo siya naipakilala sakin sa litrato at makita ko ho kayo"
parang na-ammused naman ang tunay kong ama sa naging pahayag ko na yun at sinabing...
"talaga son? wow! h-hindi ko lubos maisip na nagkakilala at nagkita na pala kayo ni enzo. well.. wala naman kasi siyang nababanggit sakin tungkol sayo. i mean, kilala ko kasi ang mga kabarkada ng kapatid mo at wala siyang---"
"wala ho talagang mababanggit sa inyo si enzo tungkol sakin dahil minsan lang ho kami nagkita at nagkakilala"
wika ko sabay ikinuwento kay daddy ang buong detalye at ang mga nangyari kung paano nagkakilala ang asawa ko nung una at pangalawa naman nung nasa hypermarket kami.
"kita mo nga naman. nagkita at nagkakilala na pala kayo ng kapatid mong si enzo bago ko pa man siya maipakita at maipakilala sayo sa litrato. sadya sigurong pinagtatagpo kayo ng tadhana dahil magkadugo kayo"
"yeah.. maybe..."
tanging nasabi ko nalang sa naging pahayag na yun ni dad pagkatapos marinig ang aking kuwento.
"siguro isa sa mga araw na ito son, ipapakilala kita sa kanila. gusto kong makilala mo ang tita martha mo at ang kapatid mo naman si enzo.. yun ay kung okay lang sana sayo? ayos lang ba sayo anak na makilala ang asawa ko at ang kapatid mo naman.. ulit?"
tanong sakin ni dad sa huli at ako naman ay walang ibang masabi kundi ano pa? ang umuo sa sinabi nito.
"okay lang po dad.."
tipid kong wika sa aking ama at siya naman ay napangiti sabay tinapik tapik ako sa aking balikat.
"im so happy son na nakilala kita. masayang masaya ako na kahit nabuo ka sa pagkakamaling nagawa namin ng mama mo noon. hindi ka nagtanim ng galit sakin at itinaboy mo ako ngayon. binigyan mo ako ng pagkakataon na maging ama din sayo"
pahayag ni dad sakin sabay ginagap ang aking mga kamay at pinaktitigan niya ako ng may luha sa kaniyang mga mata.
"im so sorry son at nasaktan ka nung malaman mong hindi ka tunay na anak ni federico. im so sorry at ngayon lang din tayo nagkakilala at nagkita. im so sorry sa lahat ng mga araw at oras na wala ako sa tabi mo simula ng ipinanganak ka ng mama mo. im so sorry for everything son. alam mo, kahit ngayon lang tayo nagkita at nagkakilala ethan. buong puso kong sasabihin sayo bilang isang tunay mong ama.. mahal na mahal kita anak at masayang masaya ako ngayon dahil kasama kita"
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
Roman d'amourSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...