ALAS ONSE na ng gabi nang maisipan namin ni ethan ang umalis na sa birthday party ni sir fernand. at ngayon nga mag-aalas dose na, nang makarating kami nito sa bahay namin.
" SO PAANO? goodnight na ha. ingat kana lang bukas sa trabaho mo"
wika ko kay ethan pagkababa ko pa lang sa kaniyang sasakyan.
"ikaw din mag-iingat ka sa trabaho mo bukas. i mean.. mag-iingat ka palagi.. goodnight baby"
wika nito sa malungkot na boses sabay niyakap ako ng mahigpit na mahigpit. nang kumalas siya sakin. napalabi ako sa kaniya na parang bata dahil sa kaniyang hitsurang hindi maipinta.
"anong mukha naman yan ethan? alam mo, kahit sino pang pinakamagaling na painter hindi maipipinta yang mukha mo. anong meron at ganyan ang hitsura mo? para kang pinagbagsakan ng langit?"
"alam mo naman kung bakit ako ganito ngayon diba? nalulungkot lang ako kasi, baka matagalan na naman bago kita makita. alam mo naman kung gaano ako ka-busy sa opisina. sa dami ng ginagawa. ni tawagan ka minsan di ko magawa"
anito sakin sabay bumuntong-hininga. kahit ako naman malungkot sa paghihiwalay namin nito ngayon. kaso ayokong ipakita yun sa kaniya para naman hindi kami malungkot lalo nito. kaya naman, ang ginawa ko na lang ay lumabi ako kay ethan na parang bata at kunyari ay may pa-iyak-iyak pa habang sinasabi na...
"oh wawa naman si baby ethan. malungkot siya. anong gusto ng baby ethan namin ha para ngumiti na siya?"
"alam mo baby, luka-luka ka talaga. para kang sira"
komento nito sakin at ngumiti naman ako sa kaniya.
"e ikaw naman kasi. yang hitsura mo, daig pa ang bata na naagawan ng candy.. para kang eng-eng alam mo ba yun? as if naman nakatira ako sa planet uranus para malungkot ka ng ganyan.. e mag-drive ka nga lang mula sa opisina ninyo hanggang dito sa amin e wala pa isang oras nandito kana. kaya please mag-cheer up kana diyan okay? huwag ka ng malungkot ha. sige na ngumiti na"
wika ko dito sabay binanat ang pisngi nito para pangitiin siya. iiling-iling nalang at nangingiti si ethan sa ginawa kong yun sabay niyakap uli ako nito ng mahigpit.
"alam ko naman na sandali lang ang biyahe mula sa opisina hanggang dito sa bahay ninyo. ang problema nga, marami akong gagawin this week at baka buong linggo tayong hindi magkikita. yung isang araw nga na hindi kita nakikita.. para na akong tino-torture. isang linggo pa kaya diba?"
wika nito habang magkayakap kaming dalawa.
"alam mo ikaw matthew ethan lopez. hindi ko alam na may pagka-ma-drama ka din pala ano? huwag ka ng malungot. magkikita pa naman uli tayo. kung isang linggo man tayong hindi magkikita. mabilis lang palipasin yun okay. para ban'g kumurap ka lang o di kaya kumindat ka. makikita mo. tapos na ang isang linggo promise"
aking pangungumbinsi at pagbibiro pa sa huli nang kumalas ako sa pagkakayakap nito.
"sige na. huwag ng malungkot ang baby. ngingiti na ang baby ethan namin.. ngingiti na siya"
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...