Kasalukuyan akong nasa grocery store at namimili ng aking mga kailangan nang maalala ko ulit ang huling pagkikita at pag-uusap namin ni mama three days ago. hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nasabi niya sakin at kaya niyang gumawa ng isang bagay na kahit ano, malayo lang ako sa babaeng gusto ko at mahal ko.
seryoso? nang dahil lang ba sa isang hamak na empleyada si Grace e hindi ko na siya puwedeng mahalin? isa na ba talagang malaking kahihiyan kay mama na mahalin ko ang babaeng katulad niya?
inaamin ko kahit ako hindi ko rin naman inaasahang magkakagusto ako sa katulad ni grace. pero hindi naman problema sakin kung mayaman ba o mahirap ang babaeng mamahalin ko dahil basta mahal ko siya at mahal din niya ako, okay nako dun. hindi ko hangad ang babaeng perfect. dahil para sakin, kahit sino pa ang babaeng yun o ano pa siya basta mahal namin ang isat-isa. wala na akong pakiilam sa sasabihin pa samin ng iba.
pero kay mama sa tingin ko. hinid siya katulad ng iniisip ko. at pakiramdam ko gagawin talaga ni mama ang sinabi niya once na gumawa ako ng move para saming dalawa ng babaeng mahal ko. at si Grace yun.
the heck! bakit hindi na lang tanggapin ni mama kung saan ako magiging masaya? at mas importante pa sa kaniya ang iisipin ng ibang tao kaysa sakin na anak niya?
marahas nalang akong napabuga ng hangin sa aking mga naiisip at inilagay na sa cart ang huling bagay na kailangan kong bilhin. naglakad na ako papunta sa cashier para magbayad at nang makarating ako dun. ganun na lamang ang tuwa ko nang makita kong nandun din pala si grace at kasalukuyang nagbabayad na.
oops! mukhang nakikipagtalo pa ata siya sa cashier ngayon?
"naku pasensiya na talaga miss. isusuli ko nalang itong mga pinamili ko. nawawala talaga yung wallet ko dito sa bag ko e."
parang helpless na sabi ni grace sa cashier habang panay ang kalkal sa loob ng kaniyang bag. ang cashier naman ay parang naiinis na ewan dahil dun.
"sa susunod po maam, bago kayo mag-grocery. tignan niyo nalang muna kung may dala kayong wallet o wala. kasi po abala din itong----"
hindi na naituloy ng babaeng cashier ang kaniyang sasabihin nang biglang lumapit ako at sinabing ako na ang magbabayad ng mga pinamiling yun ni grace. nagulat naman si grace nang makita ako at bigla naman siyang tumanggi sa alok at sinabi kong yun.
"ano kaba? okay lang." sabi ko sa kaniya ngunit tumanggi pa rin siya.
"naku sir ethan, ah ethan.. huwag na! nakakahiya. saka--"
"alam mo, saka mo na isipin yang hiya-hiya mo okay? magbayad nalang muna tayo ng pinamili mo. bayaran mo nalang ako sakali kung gusto mo o di kaya kapag may pera kana. sige na, hayaan mo nalang akong magbayad muna ng pinamili mo okay."
"pero--"
"maam. pumayag na po kayo sa sinasabi ng kaibigan niyo kasi ang dami pa pong taong nakapila e." parang naiinip nang sabi ng cashier kay grace. kaya naman bago pa uli makatanggi si grace at mainis lalo ang babaeng cashier samin. agad ko ng binigay ang credit card ko at wala ng nagawa pa si grace dun nang kunin nga yun ng cashier at mabayaran ko na ng tuluyan ang mga pinamili niya.
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...