CHAPTER 56

1.2K 51 9
                                    

"GRACE, nakikiusap at nagmamakaawa ako, mag-usap tayo. please, magpapaliwanag ako sayo"

nakikiusap kong wika kay grace habang hinahabol siya at pinipigilan sa pag-iwas sakin, ngunit parang wala lang itong naririnig at pakiramdam sa ginagawa kong yun. kaya naman sa aking nadarama. napa-tiim bagang ako at nasigawan ko si grace ng hindi sinasadya.

"tang ina grace! puwede bang kausapin mo muna ako at hayaang makapagpaliwanag sayo bago mo ako tratuhin ng ganito!"

sa sinabi kong yun, bigla namang napatigil si grace sa kaniyang paglalakad at pagiiwas na yun sakin at galit na galit niya akong hinarap.

"ang kapal din talaga ng mukha mo ethan na murahin pa ako pagkatapos ng katarantaduhang ginawa mo sakin?! ano pa ba ang pag-uusapan natin? pag-uusapan ba natin kung paano mo ako niloko at pinakasalan pa din kahit pa man alam mong magkadugo at magpinsan tayo ha?!"

"im sorry grace, pero nagawa ko lang naman yun dahil mahal na mahal kita"

naiiyak ko ng wika sabay hahawakan ko sana si grace sa kaniyang kamay ngunit pumiksi lang siya.

"mahal mo ako ethan? talaga? so ano ito? kailangan ko pa bang magpasalamat sayo na kahit pa magpinsan tayo e pinakasalan mo pa rin ako kasi nga mahal na mahal mo ako. ganun ba ha ethan? ganun ba?!"

"alam kong mali. maling-mali ang ginawa kong yun grace. pero nagawa ko lang naman yun dahil ayokong mawala ka sakin.. hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. hindi ko kaya.."

"ethan magkadugo tayo, magpinsan tayong dalawa. naiintindihan mo ba yun?"

"oo naiintindihan ko. pero kahit yun ang totoo. para sakin hindi kita pinsan. para sakin ikaw pa rin yung grace na nakilala ko noon, pinaglalaban at minamahal ko pa rin hanggang ngayon. grace sabihin mo nga sakin.. nagsisisi kaba? pinagsisisihan mo ba na pinakasalan mo ako? nagsisisi kaba na may nangyari satin at nagsisisi ka din ba na nakilala mo pa ako dahil sa nalaman mong magpinsan pala tayong dalawa?"

may hinanakit kong pahayag at tanong kay grace habang umiiyak sa harapan niya. maging si grace ay umiiyak na din.

 maging si grace ay umiiyak na din

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ethan, minahal kita. alam ng diyos kung gaano din kasakit sakin na malaman, na ang kaisa-isang lalake na minahal ko ng sobra-sobra ay pinsan ko pala. kahit ako, hindi ko kayang tanggapin na pinsan kita kasi mahal na mahal kita. pero ethan, kahit masakit para sakin.. gagawin ko parin kung ano ang mas nararapat para sa ating dalawa"

"so ano ang ibig mong sabihin grace? bibitawan mo na naman ba uli ako kagaya ng dati? grace ako, kahit pa anong mangyari ipinaglalaban kita. hindi ako bumibitiw sa ating dalawa. pero ikaw? nasaan ang sinasabi mo sakin na hindi mo din ako iiwanan kahit ano mang bagyo ang dumating sa ating dalawa. nasaan?"

"ethan iba naman ito e. magpinsan at magkadugo tayong dalawa. kahit kailan hindi puwedeng magkatuluyan ang magkakadugo. naiintindihan mo naman siguro kung ano ang gusto kong sabihin diba?. at saka hindi mo ba napapansin? ang daming balakid sa pagmamahalan nating dalawa. una, ayaw sakin ng mama mo. pangalawa nandiyan ang ex fiancee mo na nanggugulo din satin. at pangatlo, ang tito mo naman na siya rin palang tunay na ama ko. hindi mo ba naiisip na kaya ang daming balakid sa pagmamahalan natin kasi hindi tayo para sa isat-isa. kasi magpinsan pala tayong dalawa"

sa huling sinabi na yun ni grace.. napahagulhol nalang kami pareho hanggang sa mapaupo nalang ito kung saan habang umiiyak pa rin doon.

"ethan.. mahal na mahal kita. ang sakit-sakit. kung alam mo lang sobrang sakit para sakin na malaman na ang lalakeng nagpapasaya sakin, nagbibigay inspirasyon at sobra kong minamahal, kahit kailan hindi talaga magiging akin kasi pinsan ko siya. kasi pinsan kita"

"grace, parang awa mo na. hindi ko kaya. hindi ko kayang mawala ka. mababaliw ako kapag nawala ka sakin. mababaliw ako"

pahayag ko at makalipas ang ilang segundo. marahas na pinahid ni grace ang mga luha sa kaniyang mga mata at pisngi sabay tumayo at sinabi sakin na...

"im so sorry ethan, pero kahit na masakit at ikamamatay ng puso nating dalawa. mas makakabuting gawin na natin kung ano ang mas nararapat talaga. kailangan nalang nating tanggapin ang masakit na katotohanan na hindi tayo laan sa isa't-isa. na kaya lang tayo nagkakilala. yun ay dahil para makilala ko kung sino ang tunay kong ama. paalam ethan. maraming salamat nalang sa lahat"

tinalikuran na ako ni grace at nagsimula na siyang maglakad palayo sakin pagkatapos ng sinabi niyang yun sakin. ngunit hindi pa man siya nakakalayo. agad ko siyang hinabol at niyakap mula sa kaniyang likuran habang nagmamakaawa sa kaniyang huwag niya akong iiwan. ngunit sadyang nagmatigas si grace sa kaniyang desisyon na yun at nang makawala nga siya mula sa higpit ng pagkakayakap ko sa kaniya upang pigilan siya.

masamang-masama ang loob na tinanong ko si grace at sa tanong kong yun umaasa akong mag-iiba ang desisyon niya.

"paano kung nabuo yung nangyari satin? paano kung nabuntis kita? iiwanan mo pa ba ako at hahayaan mo nalang bang lumaki ang anak natin na wala ako sa tabi niya?"

sa tanong ko na yun, biglang napatigil sa paglalakad si grace at muli ay hinarap niya ako. mga ilang segundo din siyang nakatitig lang sakin na parang nagiisip muna bago sumagot.

"h-hindi mangyayari yun ethan. uminom ako ng pills.. kaya imposible yang sinasabi mo na baka nabuo ang nangyaring yun satin"

nabigla ako at hindi ko maiwasang sumama ang loob ko ng matindi sa sinabi at ginawang yun ni grace. ang akala ko pa naman handa na siyang magkaanak kami.

"nag-pi-pills ka? bakit?" may hinanakit kong tanong kay grace.

"dahil ayoko at hindi pa ako handang magkaanak. im sorry ethan. siguro kaya ganun. yun ay dahil sa magkadugo tayo at hindi inadya ng tadhana na magkaanak tayo"

muli ay napaiyak ako at tuluyan na akong nawalan ng pagasa dahil sa mga sinabi na yun ni grace. napaupo nalang din ako basta sa kung saan at umiiyak dun na parang bata dahil sa sobrang sakit na nadarama. 

"ikaw lang ang minahal ko ng ganito grace. ikaw lang. ikaw ang lahat sa akin at hinding- hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. kung mawawala ka sakin grace, para mo na rin akong tinanggalan ng karapatan na mabuhay. baby, ikaw lang ang nagpapasaya at nagbibigay kulay sa buhay ko. ano pa ang magiging saysay ng buhay kong yun kung iiwanan mo nako? mas mainam siguro ang mamatay nalang ako grace kaysa ang buhay nga ako, araw-araw para naman akong unti-unting pinapatay sa lungkot na nadarama dahil wala kana"

"ethan, huwag mo naman sana akong pahirapan ng ganito? ang hirap hirap na nga ng sitwasyon nating dalawa pagkatapos----"

"hindi sa pinapahirapan kita o ano pa man grace. sinasabi ko lang sayo ang posibilidad na puwedeng mangyari oras na mawala ka sakin"

pagkatapos nga ng sinabi kong yun. agad akong tumayo at naglakad upang tunguhin ang kinaroroonan ng aking kotse. narinig ko nalang din na nag-aalalang tinatawag ako ni grace habang sinusundan ako at nang makarating kami sa kinapa-parking-an ng sasakyan ko. marahas kong binuksan ang pintuan nun sabay kinuha sa compartment ang baril na nakatago dun.

"ETHAN!"

gulat na bulalas ni grace sa aking pangalan pagkakita sa baril na hawak ko at kasalukuyang nakatutok na yun sa aking sentido!

:(

*******************************

A/N: oh ayan sa sobrang pagmamahal ni ethan kay grace. naisipan ng magpakamatay ng lalakeng bida. pag-ibig nga naman hihi. anyway, sana magustuhan ninyo ang chapter na ito at pasensya na kung may error or anything.. salamat sa pagababasa at vote na din.. wait nalang sa new update bukas! :)

WRITING_LOVE_STORY

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon