CHAPTER 34

1.6K 39 6
                                    

"WOW ang ganda naman ng simbahan na 'to kahit mukhang luma na siya ha?"

manghang komento ni grace nang dalhin ko siya sa simbahan, na mismong sinasabi ko sa kaniya kanina na pupuntahan naming dalawa.

"yup, maganda nga siya kahit luma na. actually nakatayo na ang simbahan na 'to nung panahon pa ng mga kastila"

inporma ko kay grace at agad naman siyang napasulyap sakin dahil sa aking sinabi.

"talaga? e di mas matanda pa pala ito kung ganun sa lolo at lola ko?"

"yah, ganun na nga.. alam mo ba na, dito ikinasal ang lolo at lola ko noon. dito sila nagkakilala. dito ang tagpuan nilang dalawa noong magkasintahan palang sila. kaya naman nung nagpakasal silang dalawa. dito na rin sa simbahan na ito nila naisipang magpakasal."

" naks! ang sweet naman ng mga lolo at lola mo. biruin mo yun. dito sila unang nagkakilala, naging tagpuan nila nung magkasintahan pa sila. pagkatapos, dito rin sila nagpakasal. ang romantic naman ng story nila"

nangingiting komento ni grace sakin pagkatapos marinig ang maikling kuwento ko sa kaniya.

"tama ka. yun nga ang sinasabi ng mga taong nakakakilala sa kanila.. anyway, halika doon tayo sa harapan"

sagot ko naman kay grace sabay hinila nga ito papunta sa kinaroroonan ng altar.

"alam mo ba kung bakit tayo nandito BABY?"

tanong ko kay grace kapagkuwan nang makarating nga kami nito malapit sa altar. parang napaisip naman muna si grace sa aking tanong bago sumagot.

"hhhmmmm.. para magsimba muna tayo bago umuwi ng maynila?" sagot naman nito

"well.. parang ganun na rin.. pero may isang dahilan pa kung bakit kita dinala dito"

"dahilan? ano naman yun?"

kunot noong tanong nito at ako naman, inabot ko muna ang magkabilang kamay ni GRACE bago sinagot ng malinaw ang katanungan nitong yun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

kunot noong tanong nito at ako naman, inabot ko muna ang magkabilang kamay ni GRACE bago sinagot ng malinaw ang katanungan nitong yun.

"Grace, ang dahilan kung bakit tayo nandito ngayon kasi...... magpapakasal na tayo"

pagkatapos kong sabihin yun. gulat at pagtataka naman ang rumehistro agad sa hitsura ni grace sabay sunod-sunod itong nagtanong dahil dun.

"ha? anong sabi mo ethan? magpapakasal tayo, as in now na? parang ang bilis naman ata? kaka-propose mo lang sakin kahapon tapos----"

"grace, grace, baby!"

"ano?"

"puwede bang patapusin mo muna ako okay? bago ka magtanong ng magtanong?"

"ha? e ano ba ang itatanong mo? at saka bakit----"

"grace?"

"oh?"

"ayan kana naman e. diba sabi ko, hayaan mo muna akong matapos sa sasabihin ko bago ka magtanong.. okay lang ba? please?"

"ano bayan? oh siya, siya, sige tatahimik na ako.. ano ba talaga yun? ay sorry! oo nga pala.. hindi nga pala dapat ako nagtatanong.. siya sige na, magsalita kana.. makikinig na ako"

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon