HAPPY, INLOVE AND CONTENTED! yan ang nadarama ko ngayon habang naglalakad ako ng hallway at naiisip si grace. HAPPY ako dahil sa kaniya. INLOVE ako, dahil pa rin sa kaniya. CONTENTED naman dahil dumating siya sa buhay ko.
kagabi, nilubos talaga namin ni grace ang magkasama. wala kami nitong sinayang na oras at talaga nga namang namaga ata ang labi nito dahil sa walang tigil na panghahalik ko sa kaniya. hindi lang yun. kulang nalang ata mayupi ang katawan ni grace dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap ko na para bang katapusan na ng mundo kung makayakap ako dito.
kagabi nang matapos kaming mag-dinner ni grace. namasyal muna kami nito sa isang parke at doon kami tumambay habang nasa backseat lang kami nito ng aking kotse.
at doon nga. hindi ko tinatantanan talaga ng halik at yakap si grace hanggang sa maisipan na namin nitong umuwi ng bandang alas-dose y medya ng gabi.
nang ihatid ko si grace sa kanila. sa totoo lang, ayoko na talagang umuwi pa at kung maari lang sana. doon na ako matutulog sa bahay nila huwag lang mawalay sa kaniya.
o kung hindi man. i-uuwe ko na siya sa pad ko at doon ko itutuloy ang walang sawa kong panghahalik at yakap sa fiancee ko.
aghhhh! im inlove, inlove, inlove! sa sobrang pagmamahal na nadarama ko para kay grace. pakiramdam ko ang puso ko parang sasabog na yun dahil sa sobrang pagmamahal na nadarama ko para sa kaniya.
mahal na mahal ko si grace at talaga nga namang ikababaliw ko kapag nawala siya sakin, i swear! sounds corny pero totoo talaga!
sa totoo lang. sa tanang buhay ko. at sa dami ng mga babaeng dumaan sa buhay ko. kay grace lamang talaga ako na-inlove ng ganito katodo. na halos wala na akong itinira talaga para sa sarili ko. and i swear! kahit ano, basta kaya ko at kahit pa ikamatay ko. gagawin ko talaga, dahil sa tindi ng pagmamahal ko sa FIANCEE ko.
"oh grace, i love you, i love you, i love you!"
kay laki ng ngiti at mahinang sambit ko habang papasok na'ko ng private office ko.
ang ngiti na kay ganda sa aking labi ay biglang napalis naman, nang makita kong nandun pala uli si ANGELA sa loob ng pribado kong opisina!
"Ikaw na naman! ano na naman ba ang ginagawa mo dito?"
seryosong-seryoso ang mukha kong tanong kay angela at ang magandang mood na nadarama ko kanina dahil kay grace ay biglang napalitan ng inis, ngayong nakikita ko siya.
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...