KANINANG-KANINA PA AKO nandito sa loob ng banyo at kanina pa ako kinakabahan ng husto, dahil ito ang kauna-unahang gabi na magsasama kami ni ethan sa iisang kuwarto.
yes! ito ang unang gabi ng HONEYMOON namin ni ethan. nasa isang sikat at sosyal na hotel sa makati kami ngayon, na siyang regalo ng ninong ni ethan na nagkasal din sa aming dalawa kanina.
anyway, mag-iisang oras na ako dito sa banyo at hindi ko alam kung ano ang nasa isipan ngayon ni ethan kung bakit ang tagal-tagal ko dito?
nasa labas lang si ethan at naghihintay siya sakin.
OMG! sa aking naisip naman sa huli, mas lalo akong kinakabahan at wala sa sariling nilaro-laro ang aking wedding ring na nasa daliri ko habang kinakausap ang sarili sa harapan ng salamin.
"GRACIELYN MANALO, kaya mo ito. as in kaya mo ito okay? ang isipin mo, normal lang ang bagay na yun sa mga mag-aasawa at dahil sa asawa mo na si ethan. karapatan niya ang makuha sayo ang bagay na yun. husband mo siya at ikaw naman ay wife niya"
huminga ako ng malalim pagkatapos ng pagkausap kong yun sa aking sarili sa harap ng salamin sabay lumabas na nga ako ng banyo.
paglabas ko, agad namang napasulyap si ethan sakin at mas lalong tumindi ang kabog ng dibdib ko dahil sa klase ng tingin niya sakin.
ganun pa man. kinalma ko ang aking sarili sa tingin nitong yun at ngumiti ako kay ethan sabay sabing...
"ah... t-tapos na akong gumamit ng banyo. ikaw naman"
sabi ko at agad namang tumalima si ethan upang pumunta sa banyo. ngunit bago pa man ito makapasok doon. nalilito kami sa isa't-isa at para na kaming nagpapatentero sa aming hitsura.
hindi malaman kung saan pupunta? para kaming mga eng-eng lang talaga. huminto kaming bigla ni ethan sa ginagawa naming yun para naman makaraan na siya at ako naman ay makarelax-relax muna habang nasa banyo ito.
"ah doon ako sa kanan" sabi ko
"sa kaliwa naman ako" sabi naman nito.
at ganun nga ang ginawa naming dalawa.
nang makapasok na nga si ethan ng banyo.
ako naman ay naupo sa sofa at nag-isip nalang muna ng puwedeng gawin habang hinihintay ang mister ko.
aayy.. ano ba yan? kinikilig talaga ako.. kaloka!
************************************
Pagkasara na pagkasara ko sa pintuan ng banyo. agad akong sumandal doon at para akong kakapusin ng hininga talaga dahil sa nerbiyos kong nadarama. ang maisip ko na ito ang unang gabi namin ni grace na matutulog sa isang kuwarto at gagawin namin ang bagay na parte ng HONEYMOON namin bilang mag-asawa na.
kay tindi talaga ng kabog ng dib-dib ko at hindi na talaga nawala ang pakiramdam kong ito kanina pa.
"the heck ethan! bakit ba ninenerbyos ka?"
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...