CHAPTER 8

2.9K 79 1
                                    

"Ate Grace, maraming salamat dito sa mga pagkain ha. kung hindi ka dumating ngayon malamang wala kaming kakainin ngayong gabi." pasasalamat sakin ng isang street children na si isaac. siya ang panganay sa apat na magkakapatid na tinutulungan ko. dalawang batang babae, lalakeng three years old at siya naman ay binatilyo na. ngayon nga ay nakatira nalang sila sa ilalim ng tulay. wala na silang mga magulang dahil namatay ang mga yun sa isang aksidente.

matagal na daw silang pagala-gala na magkakapatid. itong nakaraang linggo lang sila lumipat sa ilalim ng tulay kung saan ko sila laging nadadaanan tuwing uuwe ako galing trabaho. naaawa ako sa kanila kaya naman kahit halos walang-wala din ako. pinipilit kong mabigyan sila ng makakain kahit papaano sa araw-araw.

kung mayaman lang talaga ako kukupkopin ko silang apat na magkakapatid. pero hindi e. kahit ako hirap na hirap din ngayon. yun ngang kay lolo dati nahihirapan na'kong magtaguyod saming dalawa. apat na magkakapatid pa kaya?

sinubukan ko silang kausapin kung gusto nila, dadalhin ko nalang sila sa DSWD o di kaya sa mga bahay ampunan. kaso ayaw ng magkakapatid dahil sa takot daw nilang magkahiwa-hiwalay sakaling may umampon sa kanila.

sa isang banda naiintindihan ko ang katuwiran nila at kahit ako naman ang nasa katayuan ng magkakapatid, ayoko ding mawalay sa pamilya ko. nawala na nga mga magulang ko tapos mawawalay pa ba naman ako pati sa mga kapatid ko? no way!

pero nakakaawa talaga ang sitwasyon nilang magkakapatid. ang babata pa nila para makaranas ng ganito kahirap na buhay.

"walang ano man yun. diba nga sabi ko sa inyo basta hanggang kaya ko, nandito lang ako para tulungan kayo. basta isaac ang mga kapatid mo ha, huwag mo silang pababayaan na gumala-gala sa kung saan. at saka lalo na itong si botsok.. hmmm! kakagil! "

paalala ko sa panganay na si isaac sabay pisil sa pisngi ng bunsong kapatid nito.

"opo naman ate. hindi ko naman kinakalimutan ang mga sinasabi niyo sakin e."

"mabuti naman kung ganun." sabi ko sabay nagulat ako nang biglang kumulog. naku po! mukhang uulan pa ata? kawawa naman ang magkakapatid kung sakali. ngayong tinitignan ko sila habang masayang kumakain parang sinasaksak ng napakaraming kutsilyo ang puso ko.

ayoko silang nakikitang naghihirap talaga pero anong magagawa ko? ang tanging maitutulong ko lang sa kanila ay ang bigyan sila ng magagamit nila sa pang-araw araw at pangkain.

kahit pa man halos wala na akong pera binibigyan ko pa din sila. para naman kahit paano may pangkain sila. in short. parang naging instant nanay pa ako ng magkakapatid ngayon.

muli ay kumulog. mukhang uulan talaga ng malakas? paano nalang sila ngayon sa tinitirhan nila? malalamigan sila dun at baka magkasakit pa. hay naku bahala na nga!

"isaac sige bilisan niyo nalang kumain diyan na magkakapatid. iuuwe ko nalang muna kayo sa bahay namin"

bigla namang napatingin sakin si isaac sa sinabi kong yun.

"naku ate huwag na. nakakahiya naman sa inyo. pinapakain niyo na nga po kaming magkakapatid, tapos uuwe pa kami sa inyo. ayos lang po kami dito."

"ano ba naman kayo? mag-isa lang naman ako sa bahay namin, wala akong kasama. at saka para makaligo na rin kayong magkakapatid diba? mukhang uulan kasi ng malakas e. baka kasi magkasakit pa kayong magkakapatid niyan e mhirap na. sige na bilisan niyo na ang kumain diyan para makaalis na tayo. baka abutan pa tayo ng ulan.

maya-maya ay pumayag din ang panganay na si isaac sa pangungulit kong yun at parang natutuwa naman siyang iuuwe ko silang magkakapatid sa bahay namin.

******************************************

Habang nagsa-shower wala akong ibang nasa isip ngayon kundi ang makulit na babaeng si grace. jeeeeeez! that woman? hindi na niya talaga nilubuyan ang utak ko. seriously? ano ba ang meron sa kaniya at nagkakaganito ako ngayon? ang kulit-kulit niya. ang weird minsan. sobrang madaldal. lahat ng ugaling mayron siya. yun ang pinaka inaayawan kong ugali sa isang babae talaga.

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon