CHAPTER 75

1.2K 38 2
                                    

** ISANG LINGGO ANG NAKALIPAS**

"Ethan mabuti naman at nakarating kayo"

salubong ni mr. santillian sa kaniyang anak na si ethan at sa asawa nitong si grace.

nasa bahay ng mga santillian ngayon ang mag asawa para sa isang simpleng salo salo ng pamilya at para na din magkakilala ang isa't isa.

"hello po dad. kamusta ho kayo? siya nga po pala. i want you to meet grace. my wife. ah grace si daddy"

wika ni ethan upang ipakilala ang ama sa asawa at si grace naman sa ama.

nagkabatian at nagkamayan naman sina mr. santillian at si grace at pagkatapos nun, lumabas naman sa bahay ang mag inang sina martha at enzo upang sumalubong din sa mag asawa.

halos ilang segundo din ang lumipas na katahimikan at tensiyon ang namagitan sa kanila bago nagawang ipakilala ni mr.santillian ang mag asawang grace at ethan sa kaniyang mag inang sina enzo at martha.

"ah martha, enzo. siya si ethan. ang anak ko at ito naman si grace asawa niya. ethan anak, sila naman ang mag ina ko. si martha, asawa ko at ito naman ang kapatid mo, si ENZO"

kagaya kanina bumati at nakipagkamayan din ang mag ina sa mag asawa pagkatapos maipakilala sila ni lorenzo sa isa't isa.

"so paano, ngayong nagkakilala na tayo.. mabuti pa siguro kung pumasok na tayo sa loob ng bahay at kanina pa handa ang hapunan"

casual na wika at paanyaya ni mrs. santillian kapagkuwan at pagkatapos ay nagtungo naman ang lahat agad sa loob ng bahay para nga mag salo salo sa mga inihandang hapunan ni martha kanina pa.

********************************

Pagkakitang pagkakita ko pa lang sa mga pagkaing inihanda ni mrs. santillian na nasa mesa. hindi naman sa pag iinarte pero parang ibig kong masuka. ngayong magkakaharap kami ngayon sa iisang mesa. pilit kong pinipigilan ang sarili kong masuka dahil sa hiya at masabihan pa akong maarte ngunit hindi ko magawang pigilan talaga.

napansin naman yun ni mrs. santillian sakin at tinanong ako nito kung okay lang ba ako? agad namang napasulyap sakin si ethan na nasa tabi ko at nag aalalang tinanong din niya kung okay din ba ako?

"ah e, tita martha. tito lorenzo ano po kasi.. ah hindi naman po sa maarte ako pero... ah... naku po! nasaan ho ang banyo ninyo dito at nasusuka po talaga ako!"

parang nagmamadali ko ng wika sa huli dahil sa gusto ng kumawala talaga ng suka ko. agad namang tumayo si mrs. santillian sa kaniyang kinauupuan at agad akong sinamahan nito sa banyo.

nang makarating kami dun. nagsuka ako ng nagsuka at nang matapos ako sa nakakadiri kong moment na yun. nakita ko nalang na naroon ang buong pamilya, pinanood lang naman nila ang nakakahiyang moment ko kani kanina.

"are you okay grace?"

tanong ni ethan sakin ng may pag aalala sa kaniyang mukha.

"masama ba ang pakiramdam mo anak?"

tanong naman ni mr. santillian sakin.

"baka may nakain kang hindi maganda o ano? gusto mo ba ng gamot hija?"

wika at tanong din ni mrs. santillian sakin.

"nalipasan kana naman ba ng gutom, grace?"

tanong din ni enzo sakin at hindi nakaligtas sa aking paningin ang biglaang pagseseryoso at pagsulyap ng asawa kong si ethan sa kaniyang kapatid dahil dun.

hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na ang lalakeng tumulong sakin sa simbahan noon ay kapatid pala ng asawa ko.

biruin mo yun. pinagtatagpo na talaga sila ng tadhana bago pa man malaman ng dalawa na magkapatid pala sila sa AMA.

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon