CHAPTER 54

1.3K 38 5
                                    

Mag-aala una na ng madaling araw ngunit hindi pa din ako makatulog dahil sa dami ng problema kong iniisip

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mag-aala una na ng madaling araw ngunit hindi pa din ako makatulog dahil sa dami ng problema kong iniisip. una, si mama. pangalawa, wala pa rin akong trabaho hanggang ngayon. mabuti nalang nakautang ako ng pera kay drew at gulat na gulat siya talaga nang maikuwento ko sa kaniya ang mga problemang kinalalagyan ko ngayon. at pangatlo, ang pinakamatindi. si grace. natatakot akong mawala siya sakin, once na malaman niyang mag-ama sila ni tito fernand at magpinsang buo naman kaming dalawa.

DAMN IT! sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip talaga. panay ang isip ko pero wala naman akong maisip na solusyon sa nakakatorture ko na problema.

tinignan ko si grace na nasa tabi ko, mahimbing na ang tulog niya at hanggang ngayon hindi pa din talaga ako makapaniwalang asawa ko na siya.

"mahal na mahal kita grace"

wika ko sa mahinang tinig habang tinititigan ang maamo nitong mukha sabay hinalikan siya sa kaniyang noo. hinaplos ko ng marahan ang pisngi ni grace at huminga ako ng malalim pagkatapos. napakagat labi nalang din ako dahil sa mga emosyong nadarama ko. sumunod nun, pumatak ang luha sa aking mga mata habang tinititigan ko ang pinakamamahal kong asawa.

oo asawa ko ni grace, pero natatakot pa rin ako hanggang ngayon na baka mawala siya sakin.

pinahid ko ang mga luhang naglandas sa mga mata at pisngi ko sabay tumayo nalang upang tumambay nalang muna sa terrace. pero bago yun. kinuha ko muna ang sigarilyong nakalagay sa mailman bag ko at ang lighter upang manigarilyo dahil sa anxiety na nadarama ko.

pagdating ko dun. umupo ako sa isang couch na nasa terrace at inumpisahang sindihan ang isang stick ng sigarilyo sabay hinithit yun pagkatapos.

ngayon ay nakatitig lang ako sa kawalan habang ang utak ko ay abalang-abala sa pag-iisip ng napakadaming problema habang naninigarilyo. sa aking mga naiisip ngayon, lalo na ang tungkol sa problema ko kay grace. hindi ko uli maiwasang mapaiyak hanggang sa maging hagulhol na yun.

ang klase ng aking paghagulhol na walang ingay upang hindi ako marinig ni grace. upang hindi niya makita ang pagdudusa ko.

tama ng ako ang magdusa, huwag lang siya. huwag lang ang asawa ko dahil sobrang mahal na mahal ko siya.

"ethan..."

nagulat ako sa pagtawag na yun ni grace sakin. agad ko munang pinahid ang luhang nasa mga mata at pisngi ko bago ko siya hinarap. ngumiti ako sa aking asawa at nagpanggap na ayos lang ako kahit pa man ang puso ko ay nagdurugo na dahil sa mga problemang dinadala ko.

"baby, bakit nandito ka? naingayan kaba sakin? nagising ba kita?"

sunod-sunod kong tanong kay grace.

"ikaw, bakit gising kapa?" tanong ni grace sa halip na sagutin ang tanong ko.

"h-hindi kasi ako makatulog e. ayaw akong dalawin ng antok"

pagsisinungaling uli ko kay grace sabay napasulyap ito sa isang stick ng sigarilyo na hawak ko.

"naninigarilyo ka ulit? kaya kaba hindi makatulog, dahil ba sa kakaisip ng mga problema mo sa mama mo?"

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon