CHAPTER 70

1.4K 42 7
                                    

**AFTER A WEEK**

NAKATITIG LANG SA KAWALAN si Enzo nang biglang dumating ang kaniyang ama na si MARCO LORENZO sa kaniyang pribadong opisina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKATITIG LANG SA KAWALAN si Enzo nang biglang dumating ang kaniyang ama na si MARCO LORENZO sa kaniyang pribadong opisina. magkapangalan sila ng kaniyang ama dahil dito isinunod ang kaniyang pangalan.

"mukhang ang lalim ata ng iniisip mo ha, anak?"

agad na puna ng kaniyang ama pagpasok nito. nagmano naman si enzo sa daddy niya at bumati bago nagsalita.

"wala naman dad. medyo napapaisip lang sa mga trabaho kong nakapila dito sa opisina. nga pala, bakit po ba bigla kayong napasugod? anong meron? may LQ na naman ba kayo ni mama?"

wika at biro ni enzo sa kaniyang ama sa bandang huli.

"nah! okay lang kami ng mama mo. ayun nasa bahay. dumating yung mga amiga niya ngayon. kaya nga pala kita binisita e siyempre gusto kong malaman kung ano na ba ang balita dito sa sarili mong opisina? it's been what? mga dalawang buwan na din simula nung nagbukas ka nitong law firm mo?"

pahayag at pangangamusta ni mr. santillian kay enzo.

isa ding abogado ang ama ni enzo at tinulungan siya ng kaniyang ama sa pagpapatayo ng sarili niyang law firm about a year ago. nito lang nakaraang buwan naman nag open ang naturang law firm na itinayo niya at ngayon lang din halos nakikilala ang kaniyang simple at di naman kalakihang kompanya.

pero malaki ang tiwala ni enzo sa kaniyang sarili. naniniwala siya na balang araw magiging kasing laki din ng mga naglalakihang law firm sa bansa ang kaniya.

anyway, mabalik sa kasalukuyan. sinagot naman ni enzo ang tanong ng kaniyang ama kanina tungkol sa pagpapatakbo sa kaniyang sariling kompanya.

"well.. ayos lang naman dad. kahit paano may mga client na ding nakakapansin sa LAW FIRM ko"

"aba dapat lang son! magaling kang abogado. kahit hindi ka pa masyadong nahahasa sa pagiging abogado mo ngayon. im sure magaling na magaling ka at kayang kaya mo ang humawak ng anu mang kaso o kahit ano pa. top 3 ka ata sa board exam. matalino ka at determinado sa lahat ng mga ginagawa mo kaya naman buo ang pagtitiwala ko na isa ka nga talagang magaling na abogado. hindi ko sinasabi ito dahil anak kita. i am telling you this dahil nakikita ko yun sayo son"

kay laki naman ng ngiti ni enzo sa sinabing yun ng kaniyang ama.

masasabi niyang napaka suwerte talaga niya sa kaniyang pamilya dahil may mga magulang siyang napakabait at mapagmahal. kahit pa man hindi sila masyadong mayaman na kagaya ng iba. kahit simple lang ang pamumuhay ng kanilang pamilya. masayang masaya na siya.

masaya na si enzo sa kung ano man ang meron sila ngayon sa buhay, although may kulang sa kaniya. at yun ay ang LOVELIFE. mag tatatlong taon na din nung huling nagka girlfriend siya. at ngayon namang nagkakagusto na uli siya sa isang babaeng napupusuan talaga niya e parang hindi naman ata puwede dahil mukhang may asawa na ang babaeng nakakapagpatibok ngayon ng puso niya.

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon