"CHEEEEEEEEEEEERRRRRRRRSSSSSSS!"
wika namin ng kaibigan kong si Drew sabay tinungga ang laman ng bote ng beer na hawak namin. nasa disco pub kami ngayon. halos kararating lang ng kaibigan ko galing ng australia at agad ng nagyaya na lumabas kaming dalawa.
"so kamusta na ang australia? marami pa rin bang kangaroo dun? at saka nakilala mo na rin ba sa wakas si THE ONE?" tanong ko kapagkuwan nang makainom ng kaunti sa bottled beer na hawak ko.
"ayun okay naman. ganun pa rin. pero yung THE ONE na sinasabi mo? tsk tsk.. wala pa rin. mga naka-fun na girls marami. pero si the one? wala talaga."
napangisi nalang ako sa sinabing yun ng bestfriend kong babaero at iiling-iling. kahit kailan talaga hindi siya nagseryoso sa mga babae. mas gusto pa niya ang makipag-fun-fun lang talaga sa mga babae kaysa ang magseryoso.
"e paano kaba makakahanap ng THE ONE na sinasabi mo e mas gusto mo pa ang nakikipag-fun-fun sa mga babae kaysa ang hanapin siya. at saka alam mo hindi na talaga ako magtataka kung isang araw darating nalang. may babaeng magsasabi sayong buntis siya dahil sa sobrang kaka-fun mong yan!"
tumawa ng malakas si Drew sa sinabi ko at ako naman ay nagtaka sa tinuran niyang yun.
"alam mo nakakatawa ka talaga! masyado kana nga talagang naging seryoso masyado sa buhay Ethan, simula nung namatay ang Daddy mo at sayo ipinamahala ang kompanya ninyong naiwan niya. its been what? ah.. 5 years ago? masyado ng matagal yun bro para magkaganyan ka. i mean. ng ganyan katagal? hindi kaba nasisiraan o nababaliw sa ginagawa mong yan? look at me.. im just enjoying my life to the fullest. masyado pa akong bata para magseryoso ng masyado sa buhay katulad mo. and besides itong mukha kong ito makakabuntis agad? sobrang maingat ata ako noh! alam mo huwag nga ako ang pinoproblema mo? yang sarili mo ang dapat mong pinoproblema kasi nakakalimutan mo na ata ang magsaya naman. palagi kana lang nakakulong sa private office mo at nagtitipak-tipak ng kung anu-ano sa computer o di kaya naman, wala ka ng ibang ka-date kundi mga scale model ng mga buildings na nasa company nyo.. jeeeeeeeezzzzzz!"
mahabang pahayag sakin ni drew bago muling uminom sa bote ng beer na hawak.
"alam mo magkaiba tayo okay.. seryoso talaga akong tao sa lahat ng bagay at ayoko ng laro-laro lang sa mga bagay na ginagawa ko. kaya naman nung namatay si Daddy at sakin na nakasalalay ang pagpapatakbo ng kompanya namin. nawalan na talaga ako halos ng time sa mga happenings na sinasabi mong yan"
"exactly! nang dahil sa sobrang pagseseryoso mong yan nakakalimutan mo na nga ang magsaya talaga. nabalitaan ko sa mama mo, sabi niya palagi ka raw nagsusungit pa din dun sa office ninyo. nakasimangot at sobrang seryoso. masyado ka ng busy at halos hindi kana nga daw talaga lumalabas. jeeeeeeez men! alam kong seryoso ka talagang tao pero yung ganyang kaseryoso na meron ka ngayon. iba na?"
"paano namang iba na? alam mo hindi kita maintindihan?"
kunot-noo kong tanong sabay iginala ang aking paningin sa mga taong nagsasayawan at nag-iinuman din.
"iba na. i mean. simula nung nagkahiwalay kayo ng ex fiancee mong si Angela isang taon na ang nakakaraan. ang ETHAN na seryosong kakilala ko ay mas lalo pang naging seryoso dahil sa paghihiwalay nila ng ex fiancee niya. dude hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin nakaka-move on sa ginawa ng ex mo sayo?"
bigla naman akong nainis sa pagbanggit ng kaibigan ko sa ex fiancee kong yun at nawalan na ako ng mood dahil dun.
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...