Marahas na napabuntong hininga si Graciella habang tinititigan ang picture ng kaniyang mag-ama sa picture frame. habang tinitignan niya ang larawan. hindi niya mapigilang mapaluha dahil sa realisasyon kung gaano niya nasaktan ang mga ito.
lalo na si ethan. malaki ang pagkukulang niya dito. kinontrol niya ang buhay ng sariling anak at hindi man lang halos nagawa nito ang gusto talaga sa buhay.
palagi nalang si graciella ang nasusunod sa kanilang mag-ina. naging mabuting anak si ethan sa kaniya. sinunod lahat ng gusto niya kahit pa man ramdam ni graciella na hindi masaya ang anak sa mga ginagawa niya.
anyway, nangyari na ang nangyari at wala na siyang magagawa upang ibalik ang kahapon at gawing tama ang mga pagkakamaling nagawa na niya.
ang tanging magagawa lang ni graciella ngayon ay walang iba kundi ang humingi ng kapatawaran sa kaniyang mga nagawa kay ethan, fernand at grace.
narealize din ni graciella kung gaano siya naging kasama sa babaeng minamahal at ipinaglaban ng kaniyang anak. walang kasalanan si grace sa kaniya kaya bakit nagawa din niyang magalit dito dahil lang sa kadahilanang kamukha nito si mary grace.
YES! nang dahil lang sa kamukha ni grace ang kaniyang ina. napopoot si graciella noon sa tuwing makikita niya ang dalaga. yun ang bukod tangi at totoong dahilan kung bakit palagi niyang itinataboy ang dalaga para sa kaniyang anak na si ethan.
kung tutuusin. wala naman talagang kasalanan ang mag inang mary grace sa kaniya. nagalit lang siya sa mga ito dahil sa pag-ibig niya para kay fernand.
sa ngayon ang nasa isip ni graciella ay walang iba kundi gawin ang lahat upang mapatawad pa siya ng tatlong taong pinagkakakulangan niya at nasaktan niya ng labis.
sana lang may pag-asa pa siyang patawarin ng mga ito.
umaasa talaga si graciella na sana mangyari nga...
nawala naman si graciella sa kaniyang mga iniisip sa kasalukuyan nang biglang lumapit sa kaniya ang isa sa mga kasambahay nila at sinabing dumating si angela at nasa sala daw ito ngayon, hinahanap siya.
***********************************
"ANGELA..."
tipid ang ngiting bati ni mrs. lopez sa dalaga at si angela naman ay nakipagbeso sa kaniya pagkatapos din siyang batiin.
"so... anong meron at napadalaw ka hija?"
tanong ni graciella nang makaupo na sila ng dalaga.
"well, tita hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa. nandito po ako para kausapin sana kayo tungkol kay ethan"
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
Roman d'amourSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...