Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko ngayon. pero nang makita ko si sir kanina na ngumiti talaga. feeling ko nagrambulan ang puso ko at tumibok ng kay bilis dahil sa nakakahimatay na ngiti niyang yun.
in fairness. si sir kahit nakasimangot o seryoso siya, guwapo pa din. pero kapag ngumiti? oh my goodness! makalaglag panty talaga promise! ano ba ito? mukhang nagkaka-crush na ata talaga ako sa boss naming masungit?
habang naglilinis at iniisip ko si sir ngayon ay para akong timang na napapangiti mag-isa at napapahagikhik pa. para akong teen-ager ngayon na kinikilig dahil sa kaniya.
"haaaayy... MATTHEW ETHAN LOPEZ... sa tingin ko nang dahil sa ngiti mong yun kanina, crush na kita. kahit pa ang sungit mo o ang seryoso-seryoso mo. wala na sakin yun ngayon. ngumiti ka lang, buong puso ko sayong-sayo na! isama mo na rin pati utak ko, bituka ko, balun-balunan, atay. lahat ng organs ko sayong-sayo na! lahat sila nababaliw sa makamandag at nakakabaliw mong ngiti talaga.. eeeeeeeeeehhhhhhhhhh!"
parang tangang pahayag ko habang pinupunasan ang mga mesa sa kuwartong nililinisan ko. anyway, wala naman akong kasama sa kuwarto kaya care ko. wala namang makakarinig sa mga sinasabi ko ngayon.
pagkatapos kong magpunas ng mga mesa. bubuksan ko na sana ang hoover nang biglang dumating ang babaeng maldita. ang ngiting nakapaskil sa labi ko kanina dahil kay sir ay biglang nawala dahil sa pagdating ng loka.
"sabi nga pala ni sir pagkatapos ng trabaho mo ngayon. pumunta ka daw sa office niya at kakausapin ka."
bigla akong kinabahan sa sinabing yun ng maldita at iniisip ko, ano naman kaya ang rason at bakit ako pinapatawag ni sir para mag-usap kami?.. naku hindi kaya...
"sinumbong mo ba ako kay sir na nakatulog ako kanina?"
tumingin naman ng masama sakin ang maldita bago ako sinagot.
"excue me, wala akong sinasabi sa kaniya ano. wala siyang sinabi sakin kundi sabihin ko lang daw sayo na pumunta ka sa office niya mamaya pagkatapos ng trabaho mo. ewan ko kung ano ang pag-uuspan ninyo. basta pumunta kana lang dun. sige aalis nako."
pagkatapos nga nun ay umalis na ang bruha. ako naman ay napapaisip nalang kung ano ba ang pag-uusapan namin ni sir? sa isang banda parang natutuwa naman ako dahil makikita ko uli siya. sana ngumiti si sir mamaya. ang klase ng ngiting kinahuhumalingan ko ngayon. ang ngiti niyang nakakabaliw talaga!
oopps! hindi ko pa nakikita si sir. lumuluwang na ata ang garter ng panty ko!
at kailan kapa naging malandi GRACIELYN MANALO?!
binilisan ko na ang aking ginagawang trabaho para matapos nako at makapunta na sa private office ni sir. maya-maya nang matapos nga. nagmamadali naman ako ngayong pumunta sa locker room para magpalit ng damit. inayos ko ng maiigi ang aking sarili. naglagay ako ng kaunting powder sa mukha saka nag-lip shiner.
enebeyen si grace nagdadalaga na! hihi.. nagka-crush lang kay mr. masungit. lumalandi na!
nang makuntento sa sarili kong repleksyon na nakikita sa salamin. lumabas na ako ng locker room at nagmamadaling tinungo ang private office ni sir. pagdating ko dun, agad akong sinabihan ng sekretarya na dumiretso sa opisina ng boss namin.
marahan muna akong kumatok sa nakasarang pintuan ng private office ni sir bago pumasok. nang makita ko siya ay abalang-abala ito sa pag-aayos ng kung ano sa napakalaking scale model ng buildings na naroon. muli ay nagrambulan na naman ang makulit kong puso! eeeeeeeeghhhhhhhh! talaga!
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...