CHAPTER 83

1.1K 45 2
                                    

"ENZO?"

"GRACE?"

"ah b-bakit gising kapa?"

parang nauutal ko pang tanong kay enzo at sa totoo lang, hindi ko inaasahan na sa ganitong oras e gising pa din siya. sabagay, nagtanong pa ako. kung tutuusin kahit ako hindi din makatulog dahil sa kakaisip sa nangyaring halik samin kanina.

nebeyen.. ano nalang kaya ang mangyayari kung sakaling nakita yun ni ethan saming dalawa ni enzo?. tiyak magbabasagan ng mukha ang dalawa pag nagkataon talaga.

pero no! hindi dapat malaman ni ethan ang nangyaring yun samin ni enzo. at saka isa pa, hindi naman namin sinasadya yun e.

ah bwisit! bakit ko ba pinag iisip ang mga ito lalo na si ethan.. nasa australia naman yun ngayon kaya paano naman niya makikita o malalaman ang nangyaring kiss na yun kanina.. unless.. sabihin ni enzo sa asawa ko.

aaggghhhhhh.. ayoko ng mag isip pa! nakakasakit lang ng ulo at lalo ng hindi ako matulog nito talaga!

erase! erase! erase! burahin mo ang memoryang yun sa utak mo grace!

mag pretend kang walang nangyari. lahat ay normal at okay kaya chill chill ka lang diyan.

"ahhhmm... ayaw kasi akong dalawin ng antok e kahit na anong pilit ko. e ikaw? bakit gising ka pa din hanggang ngayon?"

sagot ni enzo sa tanong ko.

"katulad mo, ayaw din akong dalawin ng antok saka minsan talaga. natural na sa buntis ang hindi makatulog agad sa gabi lalo na kapag malapit na sa third trimester"

inporma ko kay enzo at siya naman ay patango tango lang..

"s-sige kukuha nalang muna ako ng tubig, nauuhaw ako e"

wika ko kapagkuwan at agad namang nag alok si enzo na siya na ang kukuha ng tubig para sakin.

"hindi, huwag na. ako nalang, kaw naman"

sabi ko ngunit nag pumilit pa din si enzo na siya nalang. kaya naman sa pagpupumilit nitong yun. para matapos na, hinayaan ko na nga siya.

habang ikinukuhanan ako ni enzo ng isang basong tubig. hindi ko maiwasang sipatin ang hitsura at kabuuan nito.

sa totoo lang. wala naman din akong maitulak kabigin sa pisikal na anyo nito. sobrang guwapo si enzo, walang kaduda duda yun. maganda ang pangangatawan at puwedeng maging modelo ito bukod sa pagiging abogado.. plus.. mabait pa siya at kahit minsan e nakakairita ang pagiging pilyo niya at makulit ng sobra. sa tingin ko kahit sinong babae na ligawan ni enzo e maiinlove agad sa kaniya.

napakasuwerte talaga ng babaeng mamahalin nito balang araw...

"oh heto na po ang tubig ninyo mahal na reyna.. may gusto pa ba kayo?"

kunway wika at tanong ni enzo nang i-abot nito sakin ang isang basong tubig na kinuha para sakin.

"wala na. salamat"

wika ko naman at nang magpapaalam na sana ako kay enzo na babalik nako sa loob ng kuwarto. pinigilan naman niya ako.

"since, pareho naman tayong hindi makatulog. kung okay lang sana sayo.. gusto mo, mag usap nalang muna tayo.. baka sakali habang nag uusap tayo e antukin tayo pareho diba?"

"mag uusap? tayong dalawa? ah e.. ano naman ang pag uusapan natin?"

"kahit ano.. kuwentong horror, thriller, suspense.. basta kahit anong kuwento na.. so ano? game ka? okay lang ba sayo?"

ako ay napaisip sandali sa gustong yun ni enzo at medyo nag alangan. ngunit ganun pa man.. natagpuan ko nalang ang aking sarili na pumapayag sa gusto nitong yun.

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon