CHAPTER 3

3.4K 109 4
                                    

Sa sobrang sama ng aking loob dahil sa pagkamatay ni lolo. nagpunta ako sa pub para lumaklak ng lumaklak ng beer. sa totoo lang hindi ako lasenggera. pero dahil na rin sa gusto kong makalimot kahit pansamantala sa aking mga problema at sama ng loob. heto ako ngayon sobrang lasing na.

"tagay" kunway sabi ko na para bang may katagay nga ako sabay itinaas ang aking kanang kamay na may hawak ng isang baso ng beer. hindi ko alam kung pang-ilang baso na ang nainom kong beer? basta ang alam ko lang nahihilo nako at parang iba na ang tingin ko dahil sa tama ng alak sa sistema ko.

muli ay magsasalin uli sana ako ng alak sa aking baso nang sa di sinasadya ay parang nawalan ako ng konsetrasyon at natapon yun. mabuti nalang hindi ako nabasa. aaahhh... inaantok nako at nahihilo na di malaman.

siguro kailangan ko ng umuwi..

tinawag ko ang waiter at agad naman siyang lumapit. binayaran ko nalang sa kaniya ang aking bill at pagkatapos nun ay tumayo nako para umalis na. pasuray-suray na akong naglalakad ngayon palabas ng pub na yun. pakiramdam ko matutumba na'ko ano mang oras dahil sa aking kalasingan.

habang susuray-suray na naglalakad at patawid na sa kalsada, nagulat na lamang ako nang biglang may humila sakin paatras at nakulong ako sa isang matipunong bisig ng kung sino mang hindi ko kakilala.

"what the heck is wrong with you woman?! magpapakamatay ka ba?!"

parang galit na galit at pasigaw na tanong sakin ng isang baritonong boses. nag-angat ako ng tingin sa lalakeng galit na yun sakin at nang makita ko ang hitsura niya ay nagulat ako!

susmaryosep! si Mr. sungit na ex boss ko ba ang nakikita ko ngayon? o lasing lang talaga ako kaya feeling ko siya yung nakikita ko? ang hitsura ng lalake habang nakatitig sakin ay halos magsalubong na ang mga kilay dahil sa sobrang kaseryosohan.

ipinilig ko ang aking ulo. nagha-hallucinate lang ako. i mean, lasing lang ako. hindi siya si sir. hindi siya yun.

lasing na lasing na talaga ako, letse! bakit ba ang ex boss ko na yun ang aking nakikitang hitsura sa lalakeng nagagalit sakin ngayon?

"hindi ako magpapakamatay? sino ba ang nagsabi sayo na magpapakamatay ako ha? oo madami akong problema pero hindi sumagi sa utak ko kahit kailan ang magpakamatay okay? tatawid lang naman ako kanina, tapos bigla mo nalang akong hinila."

"tatawid? yung histura mong yun kanina, hindi ka mukhang tatawid. alam mo ba kung hindi pa kita hinila, malamang durog-durog kana ngayon dahil sa truck na makakasagasa sayo dapat kanina."

"t-truck?! masasagaan ako ng truck?!"

parang hindi makapaniwalang sagot ko sa kaniya.

"oo. kaya pasalamat ka kung hindi dahil sakin. malamang.. nang dahil sa kawalan mo ng pag-iingat nasa morgue kana ngayon!"

sa sinabing yun ng lalake ay parang bigla naman akong nainis. dapat hinayaan nalang niya akong masagasaan kanina. tutal malungkot naman ang buhay ko at parang wala namang saysay dahil mag-isa nalang ako ngayon.

"i hate you! bakit mo pa ako iniligtas kung ganun? sana pinabayaan mo nalang akong madurog ng truck na yun?!"

sa sinabi kong yun ay parang mas lalong nagsalubong ang mga kilay ng lalake at parang hindi makapaniwala ang hitsura.

"you're impossible! kanina lang sabi mo sakin wala kang balak magpakamatay tapos ngayon sasabihin mo yan imbes na magpasalamat kapa sakin dahil nadugtungan pa ang buhay mo dahil sa pagligtas ko sayo. para bang sinisisi mo pa'ko ngayon at buhay kapa? jezzzzzzz! what the hell is wrong with you woman?! diyan ka na nga!"

pagkatapos nang sinabi niyang yun sakin ay agad nga niya akong iniwan. ako naman ay sinagot ko pa rin siya kahit naglalakad na siya palayo sakin.

"oo wala akong balak magpakamatay kanina pero kung aksidenteng masasagaan talaga ako ng truck kanina. dapat nangyari nalang yun kasi alam mo wala namang kuwenta ang buhay ko e. lahat nalang ng taong mahal ko iniiwan ako! nag-iisa nalang ako sa buhay! wla nang nagmamahal sakin!"

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon