CHAPTER 20

1.8K 56 1
                                    

"BITAWAN MO nga ako ethan!"

mariing utos sakin ni mama sabay pumiksi sa pagkakahawak ko sa kaniyang braso para pigilan.

"ma please, nakikiusap ako sayo huwag niyong gawin kung ano man ang binabalak ninyo kay grace. nakakahiya! ano nalang ang sasabihin ng mga taong makakakita sa ginagawa niyong yan ngayon?"

mahinahon kong pakiusap kay mama habang pinipigilan siyang sugurin si grace.

"at ako pa ba ang dapat mahiya ha ethan? hindi ba dapat ikaw ang mahiya sakin ngayon dahil ina mo ako pero nagagawa mo na akong kalabanin dahil dun sa babaeng ipinagmamalaki mo!"

"ma, hindi naman kasi basta-basta ang hinihiling niyo sakin e. mahal ko si grace at masaya ako sa kaniya. kapag sinunod ko ang gusto ninyo, para bang tinanggalan niyo na talaga ako ng karapatan na maging masaya."

tumawa naman ng nakakaloko si mama sa aking sinabi sabay biglang sumeryoso uli ang kaniyang mukha at sinabing...

"im so sorry son pero kahit na ano pa ang sabihin mo sakin ngayon. kung hindi mo rin naman susundin ang pinapagawa ko sayo. puwes, hindi ko rin mapagbibiyan yang pakiusap mo"

sabi ng aking ina at mas binilisan pa niya ang kaniyang paglalakad na para bang nagmamadali at excited sa kaniyang gagawing giyera. humarang naman ako sa kaniyang daraanan at lalo lang siyang nainis sakin.

"god dammit ethan! umalis ka nga sa daraanan ko!"

nanlilisik ang mga mata at galit na galit na utos sakin ni mama. ngunit hindi pa rin ako tumigil sa aking ginagawa dahil ayokong malagay si grace sa kahihiyan at saktan niya. nang marating namin ni mama ang kuwarto kung saan kasalukuyang naglilinis si grace. pabalibag nitong binuksan ang pintuan na parang magigiba na ata yun. pagpasok namin dun, nadatnan namin si grace na halata ang pagkagulat sa kaniyang hitsura dahil sa biglaang pagdating namin ni mama. lalo na sa hitsura ng aking ina'ng galit na galit at parang nagbabadya talaga ng giyera.

"ah kayo po pala maam.. mrs. lopez... e-ethan.. good aftrenoon po!"

ani ni grace sa kinakabahang boses.

"huh! tell me grace! ano ang maganda sa hapon ngayon?"

"p-po? ahh mrs. lopez---" hindi pa man natatapos ni grace ang kaniyang dapat pang sasabihin sana, nang biglang kumawala sakin si mama at sinugod nito ng isang malakas na sampal ang girlfriend ko!

 lopez---" hindi pa man natatapos ni grace ang kaniyang dapat pang sasabihin sana, nang biglang kumawala sakin si mama at sinugod nito ng isang malakas na sampal ang girlfriend ko!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

sa aking gulat dahil sa ginawang yun ng aking ina. agad akong pumagitna sa kanilang dalawa ni grace upang iharang ang aking sarili sa anumang susunod na pananakit niya sa girlfriend ko.

"umalis ka ethan! kung ayaw mong masaktan!"

galit na galit na utos sakin ng aking ina ngunit hindi ako tuminag dahil ayoko ng maulit pa ang ginawa nitong pananampal kay grace.

"how could you do this ma?! alam kong galit ka samin ni grace pero wala kayong karapatan na sampalin siya!"

"kasalanan ng babae mong yan kung bakit ako nagkakaganito ethan! at ikaw na babae ka, layuan mo ang anak ko! or else hindi lang yan ang aabutin mo sakin naiintindihan mo ba?!"

nangagalaiting sigaw ng aking ina sa akin sabay baling kay grace. at si grace naman, makikita sa kaniyang hitsura ngayon ang takot, pagkalito at parang maiiyak na dahil sa ginagawang eskandalo ni mama.

"m-mahal ko po ang anak ninyo mrs. lopez.. isa na po bang napakalaking kasalanan para sa inyo ang mahalin ko si ethan? mahal ko po siya at--"

"shut up! kahit na ano pa yang sasabihin mo wala akong pakiilam! layuan mo ang anak ko dahil kung hindi.. magsisisi ka sa ginawa mong pang-e-eksena sa buhay namin ng anak ko. pagsisisihan mo ito babae ka!"

"mama puwede bang tama na! sa ginagawa ninyong ito para kayong bata! na kapag hindi nasusunod ang gusto, nagwawala! bakit ba hindi ninyo maintindihan at matanggap na mahal ko si grace? na nagmamahalan kaming dalawa!"

"at ako pa ang asal bata ngayon ha ethan?! tandan mo ina mo ako para magsalita ka sakin ng ganyan!"

"alam ko hong ina ko kayo pero please ma, tama na.. nakakahiya na. siguradong naririnig na tayo ng mga staff sa labas! at saka isa pa nakakasakit na kayo"

"i dont care!" parang nagwawala ng sigaw nito sabay baling uli kay grace

" and you! anong kailangan kong gawin para layuan mo si ethan ha? gusto mo ba ng pera? sige babayaran kita! sabihin mo lang sakin kung magkano?"

"thats enough ma! hindi niyo na alam ang mga sinasabi ninyo!"

nagtitimpi ko ng pakiusap sa aking ina dahil sa kaniyang mga pinagsasasabi ngunit hindi pa rin talaga siya tumigil.

"so ano grace, tell me? magkano ang gusto mo para layuan mo lang ang anak ko? five hundred thousand? isang milyon? magkano? o sige ganito nalang.. sampung milyon! siguro naman sapat na ang napakalaking halagang yun para lubayan mo na ng tuluyan ang anak ko habang buhay?"

sasagot uli sana ako sa sinabing yun ni mama sa halip na si grace. nang biglang umalis ito mula sa aking likuran at hinarap ang aking ina.

"pasensiya na po mrs. lopez pero kulang pa ho ang sampung milyon na inaalok niyo sakin. at kahit na i-alok niyo pa sakin ang lahat ng kayamanang meron kayo.. hindi ko parin matatangap yun dahil kulang pa rin yun para tumbasan ang pagmamahal ko sa anak ninyo. alam ko naman kung bakit kayo nagagalit sakin ng ganyan e. dahil hindi ninyo kayang tanggapin ang isang katulad ko para sa anak niyo. na hindi niyo matanggap na kahit ganito lang ako nagawa akong mahalin ni ethan. mahal ko po ang anak ninyo mrs. lopez. mahal na mahal ko po siya at kahit na ano pang mangyari. hinding-hindi ko ho siya ipagpapalit sa kahit na anong bagay o ano pa man sa mundong ito, dahil siya lang sapat na'ko. okay na'ko. maging mayaman man siya o mahirap di'ng katulad ko!"

"How dare you! hinding-hindi ako makakapayag na ang isang empleyada lang na katulad mo. nasasagot-sagot lang ako ng ganyan? ikaw na isang empleyada na kung tutuusin, nagtratrabaho lang sakin. kung sagutin ako, ganyan na lamang? wala kang karapatan!"

"wala rin po kayong karapatan na saktan ako at alipustahin ang pagkatao ko! dahil kahit mahirap lang po ako.. mabuti ho akong tao! hindi naman ho ibig sabihing mahirap lang ako e mukha na akong pera at kasing sama kagaya ng iniisip ninyo. hindi kagaya ninyo. naging mayaman lang kayo at pinagpala sa kabuhayan, kung makaasta na kayo e daig niyo pa ho ang diyos kung manghusga at mang-alipusta sa kapuwa niya"

pagkasabi niyon ni grace. nang akmang sasampalin uli siya ng aking ina. agad nitong pinigilan yun.

"pasensiya na at mawalang galang na ho mrs. lopez.. alam ko pong ina kayo ni ethan. pero hindi na ho ako makakapayag pang saktan uli ninyo at sampalin kagaya kanina"

mariin at buong tapang na wika ni grace sabay bitiw sa braso ng aking ina na hawak niya.

"ang kapal ng mukha mo talagang babae ka! umalis ka ngayon din! umalis ka sa kompanya kong ito at huwag na huwag ka ng babalik pa!"

"ma please, bakit kailangan pa ninyong idamay ang pagtratrabaho ni grace dito sa kompanya natin? kung tutuusin---"

"tama na ethan! hayaan mo nalang ang mama mo sa gusto niya.. gusto niya akong umalis. puwes aalis na ho ako mrs. lopez.. hindi niyo na ho kailangang ipagsigawan sakin at pilitin pa ako dahil pagkatapos ho ng nangyaring ito. ang kapal naman ho ng mukha ko kung mananatili pa ako dito.. maraming salamat nalang po sa araw na'to. good afternoon!"

agad namang umalis si grace pagkasabi niyon at ako naman nang susundan ko siya. pinigilan ako sa braso ni mama

"hayaan mong umalis ang bastos na babaeng yun ethan! nakita mo na kung ano ang ginawa sakin ng babaeng ipinagmamalaki mo ha? to think na ina mo ako at mismong sa loob pa ng aking kompanya. kay lakas ng loob niyang sagot-sagutin lang ako ng ganun? what an attidude! walang class talaga!"

mas lalo akong napatiim bagang at nainis sa mga sinabing yun ni mama sabay kumawala sa kaniyang pagkakahawak sakin at walang sabi-sabing iniwan ko rin siya upang habulin si grace. 

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon