**MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO**
Makailang beses na akong sinubukan na tawagan at i-text ni enzo ngunit ni isang sagot mula sakin ay walang nakuha ito. masakit para sakin ang gawin ito sa kaniya pero naisip ko, mas makakabuting iwasan ko nalang siya bago pa lumala ang nadarama nito para sakin.
sa totoo lang, buong araw na akong iniirita ni enzo sa mga tawag at text niya. at ngayon nga, habang nag iimpake ako ng mga gamit namin ng asawa ko para sa biyahe namin bukas sa palawan panay pa din ang tunog ng cellphone ko dahil sa kaniya.
hinayaan ko nalang yung mag ring ng mag ring at naisip kong mapapagod lang si enzo sa kakatawag at wala talaga siyang mapapala sakin.
hanggang sa hindi inaasahan nakauwi na pala si ethan galing trabaho at narinig nito ang telepono kong panay lang ang ring dahil sa tawag ni enzo.
"kanina pa nagriring yang cellphone mo. nasa main door pa lang ako naririnig ko na yan. sino ba yung tumatawag sayo at parang ayaw mo atang sagutin?"
tanong sakin ni ethan nang matapos akong humalik sa kaniya pagdating nito.
"ha? ah e.. wala yun.. bombay lang yun na babae na nagpa-five six.. inaalok niya akong umutang sa kaniya ng mga binebenta niyang beauty products.. ahente din kasi siya e.. ang kulit kulit talaga! sinabi ko na ngang ayokong umutang kasi hindi naman ako utangera at saka hindi naman ako mahilig sa mga beauty eklat products na yan pero sige pa din siya sa pangungulit!.. ahmm.. anyway, huwag na nga lang natin siya pag usapan at nakakairita lang.. mamaya ko nalang din itutuloy itong mga pag iimpake ng mga gamit natin para bukas sa palawan at maghahanda na ako ng mesa para makakain na tayong dalawa. sige baby.. diyan kana muna ha.. magpahinga kana lang muna okay"
pagsisinungaling ko kay ethan kahit pa man ayoko sabay nagmamadali ng iniwan ito sa aming kuwarto.
nang nasa kusina na ako at naghahanda ng mesa para sa dinner namin ng asawa ko. kulang nalang mapatalon ako sa gulat nang marinig kong tumunog uli ang aking cellphone at maalala ding, naiwan ko pala yun sa aming kuwarto.
diyos ko! yung cellphone ko! baka makita ni ethan na tumatawag si enzo!
iniwan ko muna ang aking ginagawa sa kusina at ako ay nagmamadaling pumunta uli ng kuwarto namin upang kunin ang aking cellphone nang makasalubong ko si ethan sa hallway palang..
"baby.."
kabadong nasabi ko lang nang makitang hawak na ni ethan ang cellphone ko.
"here, kanina pa tumutunog itong cellphone mo, sagutin mo na?"
wika sakin ni ethan at napa "ha?" lang ako..
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...