CHAPTER 21

1.8K 52 1
                                    

Habang naglalakad uli sa hallway upang tunguhin ang kinaroroonan ng elevator

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang naglalakad uli sa hallway upang tunguhin ang kinaroroonan ng elevator. hindi ko talaga mapigilan ang aking luha sa pagragasa dahil sa nangyaring eskandalo kanina.

hindi ko inaasahang mangyayari sakin ang ganito. ang alipustahin at lait-laitin ang aking pagkatao ng ganun na lamang dahil sa nagawa kong magmahal ng lalakeng katulad ni ethan.

masakit din naman para sakin ang hindi ako kayang tanggapin ng kaniyang ina. pero mas masakit para sakin ang mga sinabi at ginawa sakin ng mama niya.

nang malapit na ako sa kinaroroonan ng elevator. ipinilig ko nalang ang aking ulo sa mga naiisip at pilit kinakalma ang aking sarili para huwag umiyak. hanggang sa marinig ko ang pagtawag sakin ni ethan.

"BABY! baby wait!"

nang lingunin ko nga siya. makikita sa kaniyang hitsura ang pag-aalala sakin.

"bakit mo pa ako sinundan ethan? mas lalo lang magagalit satin ang mama mo. bumalik kana dun."

aking sinabi, pagkalapit ni ethan sakin. nag-aalalang tumingin siya akin sabay ikinulong ng kaniyang mga palad ang magkabila kong pisngi at panay ang hingi niya sakin ng sorry.

"bakit ka nagso-sorry? wala kang kasalanan ethan. hindi mo naman ginusto yung nangyari diba?"

"alam ko pero nagi-guilty pa din ako sa nangyari dahil sa pananakit sayo ni mama. kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan sa ginawa niyang yun sayo kanina. kung maari talaga, ako nalang dapat ang sinaktan niya hindi ikaw. pinigilan ko siya pero wala akong nagawa. im so sorry grace."

kumawala ako sa pagkakahawak ni ethan sa aking mga pisngi at ako naman ang humawak sa magkabilang pisngi niya.

"baby hindi ka dapat maguilty sa nangyari kasi wala kang kasalanan. hindi ka dapat nagso-sorry sakin kasi hindi mo naman ginusto yung nangyari e. kung meron mang dapat mag-sorry sating dalawa. ako yun. kasi nagawa kong sagot-sagutin ang mama mo ng ganun lang.. im so sorry ethan.. hindi ko sinasadya.. nadala lang din kasi ako sa mga---"

"its okay baby. its okay.. naiintindihan kita.. kung ako naman ang nasa lugar mo gagawin ko din yun. ang totoo pa nga yan, natutuwa ako. kasi nagawa mo rin ipagtanggol sa kaniya ang pagmamahalan nating dalawa. thank you grace. hindi mo alam kung gaano ko na-appreciate ang ginawa mong yun. at sobrang proud ako na ikaw ang girlfriend ko. mahal na mahal kita baby. ayokong mawalay sayo.. kaya please huwag ka ng umalis.. please stay.."

muli akong napaiyak sa sinabing yun ni ethan at panay naman ang alo niya sakin.

"shhh.. tama na ang iyak please... nasasaktan ako kapag umiiyak ka, alam mo ba yun."

"im so sorry ethan pero kailangan ko ng umalis. dahil kung hindi pa ako aalis ngayon. mas lalo lang magagalit satin ang mama mo at magugulo lang lalo ang sitwasyon natin. mahal na mahal kita baby. gagawin ko ito hindi dahil sa sumusunod ako o ano pa man sa mama mo. gagawin ko ito para na rin sating dalawa.. baka mas lalo lang magiging komplikado ang sitwasyon natin kung mananatili ako dito gayung pinapaalis na ako ng mama mo. huwag kang mag-alala sakin. makakahanap din ako ng trabaho."

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon