NANDITO AKO ngayon sa kompanya ng tito fernand ko upang humingi sa kaniya ng trabaho. simula nung pinaalis ako ni mama sa sarili naming kompanya. paglabas ko ng hospital, dalawang araw palang ang lumipas. agad na akong naghanap ng trabaho at sa lahat ng kompanyang pinag-applyan ko. wala ni isa ang may gustong tumanggap sakin dahil sa kadahilanang, ang akward naman daw na kukunin nila ako gayung isa akong boss dati sa isa sa pinakamalaking architectural firm sa bansa.
SERIOUSLY? nang dahil lang ba sa naging boss ako e hindi na ba ako puwedeng maging isang empleyado lang? oo inaamin ko. kahit naman sakin akward at ang weird talaga na ako ay maging isang empleyado lang sa ibang kompanya gayung naging isa akong boss dati sa kompanya namin. pero ano ang gagawin ko? kailangang-kailangan ko ng trabaho at hindi ako puwedeng matingga ng matagal sa dami ko ng binabayaran.
anyway, sa ilang araw ng paghahanap ko ng trabaho. hindi ko na kayang magtiis pa ng ganito katagal. kaya naman kahit nakakahiya at kung maari sana ayokong sabihin kay tito fernand ang nangyaring pagpaalis sakin ni mama.
napilitan ako dahil sa kailangan ko na talaga ng trabaho.
ngayong naglalakad na ako papunta sa opisina ni tito, nang nasa harap na ako ng kaniyang pintuan. marahan muna akong kumatok doon bago pumasok.
at pagpasok ko, ganun na lamang ang pag-aalala ko kay tito nang makita kong hindi siya okay at humahagulhol siya.
mabilis akong naglakad palapit sa kaniya at agad kong tinanong kung ano ang problema niya.
"ETHAN, hijo...ethan,...."
tanging nasabi lang ni tito sa aking pagdating at tanong sa kaniya habang humahagulhol siya.
"tito ano po ba ang nangyayari at umiiyak kayo ng ganyan? may masama bang nangyari dito sa opisina?"
nagtataka ko pa ding tanong kay tito ngunit patuloy lang ito sa kaniyang pag-iiyak..
"tito, may masakit ba sa inyo? sabihin niyo sakin? ano ho ba talaga ang nangyari at umiiyak kayo ng ganyan?"
sobrang nag-aalala ko ng tanong kay tito dahil sa patuloy na pag-iiyak pa rin nito.
"ethaaann.. hijo... ethan..."
muli ay sambit ni tito sa aking pangalan habang humagulhol pa din siya.
"ethan, si grace, si grace.. hijo si grace...."
patuloy ni tito at mas lalo akong napakunot noo at nagtaka sa pagbanggit pa ni tito sa pangalan ng fiancee ko. ano naman ang kinalaman ni grace sa pag-iiyak niya?
ganun pa man, sa pagbanggit na yun ni tito sa pangalan ni grace. kay tindi talaga ng kabog sa dib-dib ko, sa kadahilanang hindi ko malaman kung bakit ganun?
"ho? a-anong meron kay grace, tito? bakit po ba talaga kayo umiiyak?"
naguguluhan kong tanong sa kaniya
"naalala mo ba yung dinala mo si grace dito sa opisina ko para ipakilala sakin? naalala mo ba yung sinabi ko na naging kaibigan ko ang nanay niya? hijo, aaminin ko na sayo. hindi lang basta naging magkaibigan kami ng ina ni grace, naging kasintahan ko ang nanay niya. at tanging si mary grace lang ang babaeng minahal ko simula pa noon kaya naman hanggang ngayon hindi ako nag-aasawa dahil mahal na mahal ko pa rin siya..."
pahayag sakin ni tito habang humagulhol at ako naman, ang kabang nasa dib-dib ko ay lalong nadagdagan dahil sa nabuo at nakakatakot na naiisip ko.
sana lang mali ako sa iniisip kong yun, dahil kung hindi, baka mabaliw talaga ako.
"tito, hindi kita maintindihan. bakit niyo ba sinasabi sakin yan? ano bang---"
"ethan, ethan, im so sorry.. alam kong mahal na mahal mo si grace. alam ko kung gaano ninyo kamahal ang isa't-isa. pero hijo, si grace---"
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...