Kay laki ng aking ngiti habang tinititigan ang napakagandang bouqet ng PINK ROSES na bigay sakin ni ethan kanina lang. hindi ko pa rin lubos maisip talaga na boyfriend ko na siya. parang kailan lang nung nagkaka-crush ako sa kaniya pero ngayon kami na.
mag-iisang linggo na mula nung sinagot ko siya at wala naman akong masabi sa pagiging sweet sakin ni ethan. maalaga siya at mapagmahal na boyfriend. sa totoo lang hindi ko rin ini-expect na ganun pala siya ka-sweet kung mag mahal. kasi nga dati, ang sungit-sungit niya sakin at ang seryoso-seryoso palagi ng kaniyang mukha. saka isa pa kung gaano ka bitter ang unang pagtatagpo namin. i mean nung unang araw na hate na hate niya ako. ngayon naman kulang nalang langgamin kaming dalawa dahil sa sobrang sweet niya sakin.
anyway past is past.. wala na yung mga pangit na araw na yun at tuluyan ko ng nai-delete yun sa aking utak ngayon. ang importante, okay na kami ni ethan. tanggap namin ang isat-isa at nagmamahalan kaming dalawa.
sobrang mahal na mahal ko si ethan at kagaya nga ng sinabi rin niya sakin. wala rin akong pakiilam sa sasabihin samin ng iba. kahit pa maging kaaway ko rin ang lahat ng tao sa mundo dahil sa pagmamahalan namin at meron kami ngayon. care ko din! basta mahal ako ng lalakeng mahal na mahal ko. bahala sila! mamatay sila sa kakatsismis samin at pati narin sa inggit sakin!
ANG HABA NG HAIR KO DAY! NILIBOT BUONG UNIVERSE!
"Grace galing ba kay sir ethan yan?"
kay laki ng ngiti at bungad na tanong sakin ni jodie pagpasok pa lamang niya sa locker room namin. maging ito ay hindi makapaniwala sa balitang kami na ni ethan. sa totoo lang naman.. tanging ito lang ang nakikita kong sincere at masaya para samin ng boyfriend ko. and the rest.. feel na feel kong pinag-tsistsismisan nila kami ngayon ni ethan. yung iba namang mga babae ay masama rin ang tingin sakin. siguro naiingit lang sila dahil na-in love sakin ang napaka-guwapong boss namin at hindi sa kanila.
"oo kanina lang. binigay niya sakin bago siya dumiretso ng meeting nila ngayon"
sagot ko at bigla naman itong namilipit dahil sa kilig bago sinabing...
"alam mo, happy talaga ako kasi bagay na bagay talaga kayo ni sir ethan. wish ko lang talaga. sana kayo na forever..."
"salamat jodie" natutuwa kong wika dito
"ako kaya? kailan kaya ako makakahanap din ng lalakeng katulad ni sir ethan? yung lalakeng parang mahirap painlabin dahil sa sobrang kaserysohan. yung parang sa inyo ni sir.. biruin mo ang sungit-sungit niya dati at ang seryoso-seryoso, pero ngayon. OMG palagi na siyang nakangiti at tumatawa dahil sayo.. kitang-kita. inlove na inlove talaga si sir sayo, promise. nakakainggit ka talaga girl!"
parang pumapalakpak naman ang aking tainga dahil sa mga sinabing yun ni jodie. sa totoo lang. sino ba talaga ang mag-aakala na mai-inlove sakin ang boss naming saksakan ng seryoso at sungit noon. pero ngayon, tumatawa na at ngumingiti dahil sakin?
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
Lãng mạnSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...