Pagdating ko dito sa bahay galing ng hospital. agad akong dumiretso ng aking kuwarto at doon ko itinuloy ang aking pagsesenti at pag-iiyak dahil sa lahat ng nangyari kanina. hindi ko lubos maisip na mangyayari ang ganito. ang mangyari samin ni ethan ang ganito kasakit na pangyayari.
kinuha ko ang picture ni nanay sa aking bag at pinagkatitigan yun.
at pagkatapos, kinausap ko siya na para bang nandiyan lang siya sa harap ko na nakikinig sa lahat ng aking sama ng loob.
"nay, bakit ganun? pag nagmahal ka. lahat masayang-masaya. para ba'ng walang masamang mangyayari at kahit kailan hindi ka masasaktan. alam ko naman nung una palang. nung minahal ko si ethan. may mga posibilidad na maari akong masaktan ng ilang beses. ngunit kahit ganun.. sumige pa rin ako kasi nga mahal na mahal ko po siya. yun nga lang, ang hindi ko inaasahan. ay yung kung gaano ako kasaya nung naging kami. ay siya namang ganun kasakit ng sobra ang nadarama ko ngayon. ang sakit-sakit po nay.. hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang tiisin ang ganito katinding sakit.. mahal na mahal ko po si ethan.. bakit po ganun? kahit kay laki na ng kasalanang nagawa niya sakin ngayon, mahal na mahal ko pa rin po siya? oo galit ako sa kaniya.. pero mas nananaig ang pagmamahal ko para sa kaniya.. nung naaksidente siya kanina.. natakot talaga ako. hindi ko po talaga kayang mawala sakin si ethan. tanga na po kung tanga ako pero mahal na mahal ko po siya.. at kahit magmukha na akong martyr at tanga sa gagawin kong ito. hindi ko po hahayaang mawala sakin si ethan dahil nangako ako sa kaniya pati na rin sa harapan ng diyos na kahit anong bagyo man ang mangyari sa aming dalawa. hinding-hindi ko siya bibitawan at siya lang ang lalakeng mamahalin ko hanggang sa kahuli-hulian kong hininga"
pagkatapos ng napakahabang pahayag at pagsesentimyento ko na yun sa aking ina, nakahalukipkip akong humiga sa aking kama habang yakap ang picture niya at umiyak ako ng sobra-sobra.. kay dami na ng luha ang aking nai-luha pero hindi matigil-tigil talaga yun kanina pa.
ito na ata ang sinasabi sakin ni mrs. lopez noon na mamaga talaga ang mga mata ko sa kakaiiyak dahil sa pagmamahal ko kay ethan?
makalipas ang tatlong araw, bumalik ako ng hospital para dalawin si ethan.
kahapon, nung sinubukan kong dalawin siya. hindi ako nakapasok sa kaniyang kuwarto, dahil nandun ang mama niya nakabantay, kasama ang babaeng ahas.
ang kapal talaga ng mukha ng babaeng yun! wala akong masabi sa kakapalan. mas makapal pa talaga ang mukha niya sa pader o kahit ano pa mang mas makakapal diyan!
ipinilig ko nalang ang aking ulo sa nakakaasar kong iniisip at itinuon nalang aking sarili sa pagdalaw kay ethan..
nang makarating ako sa labas ng pintuan ng kuwartong okupado ni ethan.. luminga-linga muna ako para makasiguradong wala ang ina nito at ang babaeng ahas bago pumasok.
pagpasok ko. nakita ko si ethan na tulog na tulog at naka-bandage ang kaliwang kamay nito. naawa naman ako sa kaniyang kalagayan at muli ay napaiyak ako.
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...