CHAPTER 64

1.2K 37 3
                                    

"DOKTOR kamusta po ang asawa ko? bakit po ganun? naaalala po niya ang mama at ang dating ex-fiancee niya pero ako, bakit hindi po niya ako maalala?"

umiiyak kong tanong sa doktor na sumuri kay ethan na kumalma na sa pagwawala kanina at nakatulog na ulit dahil sa isinaksak sa kaniyang gamot.

"mrs. lopez, we are very sorry about what happened to your husband. sa tingin namin, he is suffering from selective amnesia. it is a condition wherein he remembers a certain event sa buhay niya.. maaring may isang bagay siyang naaalala at ang iba naman ay nakalimutan niya. ang ganitong klase ng amnesia ay tumatagal ng araw, buwan o di kaya naman taon. walang makakapagsabi kung kailan darating sa asawa ninyo ang buo niyang memorya"

halos mapahagulhol na ako sa pahayag na yun ng doktor at sobrang kay sakit sakin ang malaman na ganun ang nangyari kay ethan. bakit pa kailangang mangyari sa asawa ko ang ganitong sitwasyon? bakit kailangan pa niya akong makalimutan? kasalanan ko 'to.. kung hindi ko lang sana inutusan siya kagabi at naging makulit ako. hindi mangyayari ito. hindi mangyayari ang ganito kasakit na bagay saming dalawa ng asawa ko.

"dok, ano po ang kailangan kong gawin para tulungan ang asawa ko para mas mapadali ang pagbabalik ng dati niyang memorya?"

"sa kalagayan po ng asawa ninyo. ang tanging mai-a-advice ko po ay subukan ninyong ikuwento sa kaniya lahat ng mga events na magkasama kayong dalawa.o di kaya mga pictures ninyong magkasama na puwedeng makapagpaalala sa kaniya. kahit na anong mangyari at kahit mahirap pa., huwag ho kayong magsasawa na gawin yun sa kaniya at mawalan ng pag asa. at siyempre samahan niyo na din po ng panalangin dahil isa po yun sa pinakamalakas na puwede nating gawin sa ganitong sitwasyon"

muling pahayag sakin ng doktor at pagkatapos ay umalis na ito upang mag-checkup naman ng iba pang pasyente.

naglakad ako palapit kay ethan at pinagmasdan siya habang natutulog. ginagap ko ang palad ng aking asawa sabay dinampian ng halik yun.

"ethan.. im so sorry.. patawarin mo sana ako sa nangyaring ito sayo ngayon. hindi ko sinasadya.. baby, sana gumaling kana kasi ang sakit sakit. sobrang sakit sakin ang makita kang nagkakaganito. ang sakit sakit ethan na hindi mo ako maalala. ang tignan mo ako na para bang kahit kailan hindi tayo nagkita at hindi mo ako minahal.. ethan mahal na mahal kita.. sana bumalik agad ang buo mong memorya alang alang sa anak nating dalawa. alang alang sa baby natin ethan, pleaseeeee..."

humahagulhol kong pahayag habang hawak ko pa rin ang kamay ni ethan.

sa buong araw na yun. wala akong ibang ginawa kundi ang manalangin ng manalangin para sa pagbabalik ng buong memorya ng asawa ko at umiyak na din ng umiyak dahil sa emosyon kong nadarama ngayon.

******************************

PAGDATING ULI NI MRS. LOPEZ sa hospital upang dalawin si ethan. nagulat siya sa ibinalita ni grace sa kaniya sa nangyari kanina.

"ang tangi lang pong naaalala ni ethan ay kayo, mga nangyari sa kaniya noon, pero yung tungkol sa aming dalawa. hindi na po niya maalala yun"

umiiyak na pahayag ni grace kay mrs. lopez habang siya naman ay nakamasid lang sa natutulog na anak.

"kung hindi ko lang sana inutusan si ethan na ibilan niya ako ng pinya kagabi. hindi sana mangyayari ito sa kaniya. hindi po ito mangyayari sa asawa ko. kasalanan ko ito. kasalanan ko"

humahagulhol ng wika ni grace at naawa naman siya sa kalagayan nito lalo pa at buntis pa naman ito.

alanganing lumapit si mrs. lopez kay grace at marahan niyang hinaplos ito sa braso habang umiiyak. agad namang napatingin sa kaniya si grace na parang nagtataka sa ginawa niyang yun.

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon