"GRACE?"
"ETHAN?"
"So, ano? will you marry me?"
muli ay tanong sakin ni ethan at sa totoo lang, kay lakas ng kabog ng dib-dib ko ngayon dahil sa nakakalokang biglaan na proposal niya.
seryoso? agad-agad? gusto na ni ethan ang magpakasal kami?
"ah ethan parang ang bilis naman ata? ang ibig kong sabihin e. kailan lang kasi nung nagkakilala tayo. tapos, naging tayo. ngayon naman, inaalok mo na ako ng kasal. hindi ba parang masyado naman atang mabilis? parang--"
hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin nang biglang umalis si ethan sa pagkakadagan sakin sabay naupo at seryoso siyang tumingin sakin. ako naman ay naupo na rin at para akong hindi makahinga dahil sa tindi ng kabog ng dib-dib ko talaga.
"huwag mong sabihin sakin grace na nagdadalawang isip ka? kasasabi mo lang sakin kanina diba? kulang ang habang buhay sayo na magkasama tayo. pero bakit ngayong inaalok kita ng kasal, parang ayaw mo?"
huminga muna ako ng malalim sa sunod-sunod na tanong na yun ni ethan bago sumagot
"Ethan. wala naman akong sinasabi sayo na ayoko. ang sakin lang kasi.. ang pagpapakasal dapat pinag-iisipan ng mabuti dahil hindi lang yun basta-basta. habang buhay yun na comittment.. siguro naman naiintindihan mo kung ano ang gusto kong sabihin diba?"
"Grace naiintindihan ko. pero bakit ko pa kailangang pag-isipan kung siguradong-sigurado na ako na ikaw ang gusto kong makasama habang buhay? i want you to be my wife and i want to spend my whole life with you forever. diba yun naman ang sinabi mo sakin kanina? gusto mo rin akong makasama habang buhay?"
"oo nandun na ako ethan. sinabi ko nga yun pero.. okay.. paano kung malaman ito ng mama mo? ano nalang ang mangyayari satin kung sakaling malaman niya? mas lalo siyang magagalit satin kapag---"
"grace wala akong pakiilam sa kung ano pa man ang sasabihin satin ni mama o ng kung sino mang ponchio pilato diyan.. ang mahalaga sakin ay ikaw. ikaw ang importante at ikaw lang ang bukod tanging nakakapagpasaya sakin. please... just, say yes and i promise you na hinding-hindi mo pagsisisihan kapag pumayag kang pakasalan ako.."
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...