CHAPTER 67

1.2K 37 0
                                    

PAGPASOK KO pa lamang ng pribado kong opisina. nasorpresa nalang ako nang makita kong nandun pala ang ex fiancee ko na si angela. at ngayong nakikita ko siya, aaminin ko. hindi ko alam kung paano ko ba siya pakikiharapan o kakausapin dahil sa aking pagkaka amnesia.

gusto ko ding magalit sa kaniya dahil sa pang iiwan niya sakin noon. pero bakit ganun? wala akong makapang galit sa puso ko para sa kaniya ngayon? tuluyan na bang kinain ng pesteng pagkaka amnesia ko ang tunay na nadarama ko kay angela nung hindi pa ako naaaksidente at ngayon, ang nadarama ko para sa kaniya ay ang pakiramdam noong kami pa.

aaminin ko din. masaya naman ako kahit paano na nakikita ko siya ngayon. pero bakit ganito ang nadarama ko? parang may kulang. hinahanap hanap ko siya nung nasa hospital ako pero bakit ngayong nakikita ko naman siya. hindi ganun katindi ang saya na aking nadarama.

DAMN IT ETHAN! ANG GULO GULO NG UTAK MO!

sana lang talaga gumaling na ako sa aking pagkaka amnesia para hindi na ako nagkakaganito at malaman ko rin kung sino ba talaga ang tunay na mahal ko.

"HELLO ETHAN, kamusta kana?"

tanong sakin ni angela nang tuluyan akong makapasok sa pribado kong opisina.

"i-im good.. y-you?"

nag aalangang sagot at tanong ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung paano ko ba pakikitunguhan ngayon ang ex finacee ko dahil sa pesteng amnesia ko at nadarama.

but anyway, napangiti naman si angela sa tanong kong yun bago muling nagsalita.

but anyway, napangiti naman si angela sa tanong kong yun bago muling nagsalita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"okay lang ako ethan. i am glad na kahit paano hindi mo na ako sinusungitan. i mean, usually kasi kapag nagkikita tayong dalawa. parati kang galit sakin at wala kang ibang ginawa kundi ang iwasan at itaboy ako"

"ako? sinusungitan kita?" hindi makapaniwalang tanong ko

"oo, kasi nga galit ka sakin dahil sa mga nagawa kong kasalanan sayo noon. although.. kahit ilang beses na akong nakapag sorry sayo at sinabing nagsisisi na ako. parang wala lang yun sayo. anyway, kaya nga pala ako nandito. yun ay dahil nabalitaan ko kung ano ang nangyari sayo. naaksidente ka daw at... nagka-amnesia... and someone also told me na, na ang naaalala mo lang daw e yung mga nangyari sayo dati. what i mean is.. yung pinaka present nawala na yun sa utak mo at ang naaalala mo lang ngayon e yung mga matagal ng nangyari"

napakagat labi nalang ako sa pahayag na yun ni angela at marahang tumango kapagkuwan sa sinabi niya.

"tama ka, naaksidente nga ako. at dahil sa nangyari saking yun. nagka amnesia ako at magulong magulo ang utak ko ngayon. sa sobrang gulo, hindi ko alam kung paano ba ako kikilos ngayon o makikitungo sa mga taong kakilala ko dahil dun"

pang aamin ko naman sa ex fiancee ko sabay napahawak sa aking sentido na para bang sumasakit uli yun.

"k-kamusta na ba ang pakiramdam mo ngayon? ang ibig kong sabihin. yung tunay na nadarama mo ngayong may amnesia ka? aaminin ko ethan, kaya din ako nandito hindi dahil para mangamusta lang sayo, kundi para narin malaman kung ano ba ang nadarama mo sakin ngayon?"

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon