"DAMN YOU ETHAN! your so stupid! alam mo ba yun? nang dahil lang ba sa pangangailangan mong yan? seryoso? kulang nalang pilitin mo si grace na gawin yun? nasaan naba ang utak mo? at hindi mo nagawang pairalin ng maayos!"
inis na inis kong kausap sa aking sarili habang nakahiga lang sa kama dahil sa nangyari kanina samin ni grace. naiinis talaga ako sa sarili ko dahil nagawa ko yun sa kaniya at nahihiya ako ngayon dahil dun.
kaya naman sa nangyaring yun. hindi ako makatulog ngayon talaga dahil sa nagi-guilty ako at sobrang naiinis ako sa sarili ko. ano nalang ang iniisip sakin ni grace ngayon? baka mamaya niyan iniisip niya na atat na atat akong mangyari yun samin. o di kaya naman, baka isipin niya. masyado na akong tigang kaya kulang nalang ay pilitin ko talaga siya.
"damn it ETHAN! what the hell is wrong with you?! bakit mo ba ginawa kay grace yun?"
muli ay naiinis kong sambit sa aking sarili habang nakasandal na ngayon sa headbord ng hinihigaan kong kama. well.. aaminin ko. gusto kong angkinin si grace. gusto kong may mangyari samin, but not like this! nagsisisi ako kung bakit nagawa ko ang nagawa ko kanina na dapat talaga hindi ko ginawa!
ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak ko at parang wala na akong pakiilam that time kundi ang angkinin si grace at mapagbigyan ang hinahanap ng katawan ko. parang isang sampal sa akin ang sinabi ni grace kanina nang ipaalala niya sakin ang sinabi ko sa kaniya noon na maghihintay ako at rerespetuhin siya sa bagay na yun kahit gaano pa yun katagal!
pero nasaan na ang sinabi kong yun? tuluyan ng nawala dahil sa bwisit at nakaka-torture kong pangangailangan kanina.
well, its not all about LUST okay? of course mahal na mahal ko si grace kaya naakit na rin ako at naisip kong gawin yun sa kaniya. but in on the other side. nagsisisi ako dahil pakiramdam ko ang gago-gago ko at ang sama-sama ko dahil nagawa ko yun sa kaniya.
kahit kailan hindi ako nakaramdam ng ganito ka-guilty sa kahit na sinong babae o kahit pa sa mga naging girlfriend ko dahil sa ganung pangyayari. but with GRACE?
damn it! iba siya. ibang-iba siya sa mga babaeng yun dahil si grace ang klase ng babaeng dapat minamahal, inaalagaan at lalo na nirerespeto.
pero nasaan naba ang respeto kong yun sa kaniya kanina nung nagyari yun?
"THE HECK ETHAN! ANG GAGO-GAGO MO TALAGA!"
inis na inis kong sambit uli sa aking sarili sabay ibinato ang unan sa tabi ko dahil sa nadarama!
maya-maya ay naisipan ko nalang ang bumangon muna sa kama at tutal hindi naman ako makakatulog nito agad dahil sa frustration kong nadarama.
kinuha ko nalang ang aking mailman bag na nasa sofa para kunin sa loob nun ang cigarettes na ginagamit ko at naisipan kong manigarilyo dahil sa frustration at pati na rin sa tensyon.
YES! nag-i-smoke ako pero hindi lagi. kapag natetense lang ako ng sobra-sobra at naiinis sa sarili ko talaga. kagaya nalang ngayon. nang dahil sa kagaguhang nagawa ko ngayon kay grace.. sobrang bwisit na bwisit talaga ako sa aking sarili at tense na tense ang pakiramdam ko ngayon dahil dun.
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...