CHAPTER 65

1.1K 39 4
                                    

**MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO**

PAGPASOK pa lamang namin ni ethan sa loob ng pad namin galing ng hospital. ang hitsura ng asawa ko ngayon ay parang nangingilala sa hitsura ng bahay at mukhang hindi din nito yun matandaan.

"Kaninong Pad ito?"

seryosong tanong ni ethan sakin.

sinasabi ko na nga ba tama ang nasa isip ko. hindi pamilyar o natatandaan ni ethan ang pad nito o namin ngayon.

"ah ethan. marahil hindi mo ito natatandaan kasi nga kailan lang nung lumipat ka dito at kailan lang din nung magsama tayo dito sa pad mo"

inporma ko kay ethan habang nasa tabi lang niya at inaayos ko ang mga gamit na dala namin galing hospital. sa isang linggong pananatili ni ethan sa hospital. masasabi kong ibang-iba kung ikokompara sa dati ang pagtatrato niya sakin ngayon.

malamig yun. walang buhay. walang kulay.

aaminin ko. walang kasing sakit ang ganung klase ng pagtrato sakin ni ethan. kapag tinitignan niya ako parang wala lang. pag kinakausap naman niya ako tipid na tipid lang.

minsan sa sobrang sakit talaga ang makitang ganun si ethan sakin. iniiyak ko nalang yun sa kung saan. sa banyo, sa labas ng hospital o di kaya kapag nandito ako sa pad at kukuha ng gamit na kailangan namin nito sa hospital.

lahat ng yun tinitiis ko para kay ethan. ginagawa ko ito at magtitiis ako dahil mahal na mahal ko siya. alang alang na rin para sa anak naming dalawa. lahat gagawin ko, maalala lang uli ni ethan na ako ang mahal niya at hindi si angela.

oo hanggang ngayon hindi pa rin maiwasang mabanggit ni ethan si angela ng kaharap ako, kahit pa man alam na niyang may amnesia talaga siya. ang ibig kong sabihin, naniwala lang talaga si ethan sa mga sinasabi namin sa kaniya simula nung ipinakita ko ang mga litrato at videos naming magkasama.

lalo pa nang maikuwento din ni tatay ang mga pinagdaananan namin ni ethan mula sa una.

ganun pa man. kahit naniniwala na si ethan samin, malungkot pa rin ako kasi kahit alam niyang mag-asawa kami at napatunayan naming lahat yun sa kaniya. nag iba na talaga ang trato niya sakin ngayon.

bakit ganun, utak lang naman niya ang nagkaroon ng problema, hindi naman puso diba? pero bakit pati puso ata niya ngayon nakalimot, na ako ang mahal niya?

anyway, nawala naman ako sa aking iniisip sa kasalukuyan nang magsalita uli si ethan.

"ito ba yung sinasabi mo sakin na minsan dito ka tumutuloy at minsan ako naman sa inyo kasi nga wala pa tayong nakukuhang bahay para sating dalawa, tama ba?"

"oo ethan ganun na nga.. pero diba nga sabi ko sayo ayos lang naman sakin ka---"

"nasaaan ang kuwarto? gusto ko na sanang magpahinga, okay lang ba?"

tanong ni ethan nang hindi man lang niya ako pinatapos sa sasabihin ko pa sana. ganun pa man sinamahan ko nga siya sa kuwarto at pagdating namin dun, tumambad sa kaniya ang mga baby stuff na nabili namin sa baby shop noon na kasalukuyang naroon pa din hanggang ngayon.

 ganun pa man sinamahan ko nga siya sa kuwarto at pagdating namin dun, tumambad sa kaniya ang mga baby stuff na nabili namin sa baby shop noon na kasalukuyang naroon pa din hanggang ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon