Kanina pa ako nandito sa sementeryo umiiyak at naglalabas ng aking sama ng loob sa mga lolo, lola at nanay ko dahil kay ethan.
ang sakit-sakit! durog na durog ang puso ko dahil sa ginawang yun ni ethan sakin! kung gaano katindi ang pagmamahal na nadarama ko para sa kaniya, ay siya rin'g ganun katindi ang galit ko sa kaniya ngayon!
hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya sa ginawa niyang ito sakin.
paano nagawa ni ethan sakin ang ganito katinding sakit?
paano niya nasikmura ang lokohin ako ng ganito?!
sa aking mga naiisip. muli ay napahagulhol ako at talaga nga namang halos hindi na ako makahinga sa tindi ng pag-iiyak ko.
makalipas ang ilang segundo, nagulat na lamang ako sa biglaang pagsulpot ng lalakeng hindi ko nais makita at huwag na huwag lang talaga niyang susubukang lumapit sakin dahil masasampal ko talaga siya sa tindi ng galit ko sa kaniya.
"GRACE" tawag ni ethan sakin.
marahas kong pinahid ang mga luhang nasa mga mata at pisngi ko sabay tumatahip ang aking dib-dib dahil sa tindi ng galit ko, nang hinarap ko siya.
"anong ginagawa mo dito?"
madilim ang anyo kong tanong kay ethan. sa nakikita ko ngayon sa kaniya. mukhang malungkot na malungkot siya at nagi-guilty sa kasalanang ginawa niya sakin.
hindi ko alam kung bakit malungkot din ang kaniyang hitsura ngayon. pero pakiilam ko ba kung ganun nga! galit ako sa kaniya at wala na akong pakiilam pa sa nararamdaman niya!
"Grace hayaan---"
"huwag kang lalapit! diyan ka lang!"
mariin at galit na galit kong wika kay ethan nang akmang lalapit siya sakin.
"grace hayaan mo muna akong magpaliwang sayo oh, please...."
"paliwanag? ang kapal ng mukha mo ethan para sabihin yan sakin! gusto mong magpaliwanag sakin? puwes! wala ka ng dapat pan'g ipaliwanag sakin dahil hindi ako tanga para hindi mahulaan kung ano yung nakita ko sa inyo ng ex-fiancee mo kanina!"
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomantikSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...