"LOLO nandito na po ako"
sigaw ko nang makapasok sa loob ng bahay namin. nakita ko naman si lolo na lumabas galing kusina at may hawak siyang sandok.
"OH apo saktong-sakto ang dating mo. nakapagluto na'ko ng hapunan natin."
sabi nito habang nagmamano ako.
"ay ano ba yan lolo. diba sabi ko sa inyo bumili nalang kayo ng lutong ulam diyan sa labas. bawal sa inyo ang mapagod e. kabilin-bilinan ng doktor na bawal sa inyo ang mapagod dahil sa puso niyo. ang kulit talaga ng lolo ko. pasaway din e."
kunway sabi ko sa bandang huli.
"e alam mo naman grace, mas lalo lang akong nakakaramdam ng pagod kapag nakahiga lang sa kama buong araw. parang lalo akong nanghihina dahil dun. saka maano ba naman ang pagluluto. hindi naman masyadong nakakapagod."
pagkatapos ng sinabing yun ng lolo ko. nang akmang siya ang maghahanda ng mesa para sa hapunan naming dalawa. inagaw ko ang plato sa kaniya at sinabing ako na ang gagawa nun.
"lo, umupo kana nga lang at ako na ang gagawa nito. upo na kayo dun dali na."
utos ko kay lolo at parang bata naman siyang sumunod agad sakin at iiling-iling nalang. sa edad ni lolo na setenta parang mas matanda ang hitsura nito kaysa sa totoong edad dahil sa kaniyang sakit. naaawa ako kay lolo kasi tumanda nalang siya ng ganun. hindi man lang nakaranas ng ginhawa sa buhay.
ang hirap talaga maging mahirap. lalo pa ngayon. agad akong nawalan ng trabaho dahil sa katangahan.
"ah siya nga pala apo. kamusta ang unang araw mo sa trabaho? ayos naman ba?"
bigla akong napasulyap kay lolo sa tanong niyang yun. sa totoo lang sinadya kong umuwe na ng gabi para isipin ni lolo na nagtrabaho talaga ako. masama man ang magsinungaling pero sinabi ko nalang kay lolo na maayos naman ang trabaho ko. hindi ko na sinabi ang mga kapalpakang nangyari sakin kanina at natanggal agad ako sa trabaho dahil dun. baka kasi mag-alala lang si lolo at maka-dagdag stress pa'ko sa puso niya.
"ah mabuti naman kung ganun. mabait naman ba sila apo?"
muli ay tanong ng aking lolo. ako naman ay uminom muna ng tubig dahil parang biglang bumara ang aking lalamunan dahil sa tanong na yun ni lolo.
"m-mabait? ah... opo.. opo naman! sobrang bait nila lolo. wala kang maitulak kabigin sa sobrang kabaitan nila dun promise."
kunway sagot ko habang pinepekeng ngumiti kay lolo. diyos ko naman grace. ang dami mo namang kapalpakang ginawa ngayong araw na ito. tapos nagsisinungaling kapa ngayon sa lolo mo. so fantastic! ang galing mo talaga today! ang galing mo sa katangahan! at ang galing mo pang magsinungaling!
ngumiti nalang si lolo sa sagot kong yun at maya-maya ay biglang napahawak siya sa kaniyang dib-dib na parang aatakihin na naman sa puso. ako naman ay biglang nag-aalala na lumapit sa kaniya.
"lo anong nangyayari sa inyo? aatakihin na naman ba kayo? dadalhin ko na kayo sa hospital" suno-sunod kong tanong habang hinahagod ang dib-dib ng aking lolo.
"w-wala ito. kumain kana dun."
pagtataboy pa ni lolo sakin ngunit hindi ko pinansin yun.
"anong wala lang? e naninikip ang dib-dib ninyo at para kayong nahihirapang huminga tapos sasabihin niyo sakin na wala lang. uminom ba kayo ng gamot niyo kanina?"
"o-oo uminom nako."
"baka naman sinasabi niyo lang yan lolo ah, tapos hindi naman pala."
may pagdududa kong tanong kay lolo. paano ba naman? nung minsan nakita ko ang mga gamot niya ay parang hindi yun nababawasan. kaya naman agad kong kinompronta si lolo tungkol dun at sinabi naman niyang tinitipid yun dahil sa mahal nga daw at magastos ang kaniyang mga gamot.
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...