****PAGKATAPOS NG ISANG BUWAN NA NAKALIPAS***
INILAGAY NI FERNAND ang isang bungkos ng napakagandang bulaklak sa ibabaw ng puntod ni mary grace sabay nagsindi siya ng kandila at mapait na ngumiti doon. marahan niyang hinaplos ang lapida ng babaeng pinakamamahal pa din niya hanggang ngayon at hindi napigilang mapaiyak dahil sa kaniyang nadaramang emosyon.
"Sa wakas mary grace nalaman ko na din ang katotohanan kung bakit bigla kana lang nawala noon at iniwan mo ako. nakakalungkot talagang isipin na nagkahiwalay tayo ng ganun lang at hindi na talaga tayo nagkita pa kahit kailan pagkatapos nung huli nating pagkikita. hanggang ngayon mary grace mahal na mahal pa din kita. kahit kailan hindi nagbago ang pagmamahal kong yun para sayo. nanininiwala ako na balang araw magkikita uli tayo at hindi ako nawawalan ng pag-asa na mangyayari ang bagay na yun. anyway, past is past. sa ngayon, kailangan ko na talagang tanggapin ang katotohanan na wala kana. malungkot at masakit para sakin na hindi na talaga kita nakita pero sa isang banda masaya na din ako kasi nawala ka man. atleast nag-iwan ka sakin ng mga magagandang alaala mo at kasama na dun ang anak nating si grace. buong puso akong nagpapasalamat sayo dahil sa kaniya. at ipinapangako ko sayo na aalagaan ko, iingatan at mamahalin ng sobra sobra ang anak natin. babawi ako sa mga panahong nagkahiwalay kaming dalawa ng anak natin. pangako yan mary grace.. mahal na mahal kita.. hanggang sa muli nating pagkikita mahal ko"
umiiyak na pahayag ni fernand sa harapan ng puntod ni mary grace at pagkatapos nun, nilingon niya ang kaniyang anak na si grace na nakamasid lang sa kaniya at buong puso silang nag-ngitiang mag-ama.
nakangiting lumapit naman sa kaniya si grace kapagkuwan sabay niyakap siya nito sa kaniyang baywang.
"NAY! alam niyo po ba kahit ako, hindi din nawawalan ng pagasa na balang araw makukumpleto din talaga tayo. yun bang magkikita tayo sa personal at magkakasama-sama din tayong tatlo nina tatay. mahal na mahal ka po namin nay. sana kahit nasaan ka man ngayon, masaya kana din dahil sa wakas nalaman na natin ang katotohanan kung bakit tayo nagkahiwa-hiwalay nina tatay noon.. i love you po nay! mahal na mahal ka po namin ni tatay"
nakangiting pahayag din ni grace sa kaniyang ina sabay sinulyapan ang kaniyang ama pagkatapos.
"i love you din po tay! masayang masaya ako ngayon dahil sa wakas maayos na ang gusot sa atin nina nanay at magkasama tayo"
magiliw na wika ni grace sabay ginawaran ng mabining halik ang kaniyang ama sa pisngi.
"mahal na mahal din kita anak. masayang masaya din ako na magkasama tayong dalawa. at kahit pa anong mangyari. ipinapangako ko din sayo anak, hinding hindi na tayo magkakahiwalay pa kahit kailan"
nakangiti at magiliw ding wika ni fernand sa kaniyang anak sabay hinalikan ito sa noo at niyakap ng mahigpit pagkatapos.
nag-stay pa ang mag ama sa sementeryo ng ilan pang mga minuto bago sila umalis.
umalis sila ng lugar na yun na kay laki ng ngiti sa isa't isa at masayang masaya na maayos na ang gusot na nakapagitan sa kanila noon at ngayon ay magkasama na.
********************************
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...