"MRS. LOPEZ, kayo pala?"
wika ko nang makitang ina pala ni ethan ang dumating na bisita namin ng asawa ko.
kanina abalang abala ako sa pagtitiklop ng mga damit namin ni ethan nang may mag buzzer sa pintuan ng pad namin. akala ko ay ang kasamahan na namin sa bahay ang dumating ngunit hindi pala.
"pasok po kayo.."
wika ko sa ina ni ethan at niluwangan ko ang pagkakabukas ng pintuan.
"salamat grace, siya nga pala, si... ethan?" wika ni mrs. lopez nang makapasok.
"ah nasa loob po ng office room ho niya may---"
"ma? nandito pala kayo. ano hong meron at napadalaw kayo dito?"
wika ni ethan na lumabas na pala galing ng kaniyang office room at makita ang ina.
"hi son!.. well.. gusto ko lang sanang kamustahin kayong mag asawa at saka kung okay lang din sana.. puwede ba tayong mag usap kahit sandali lang. m-may importante lang sana akong sasabihin sana sayo e"
nakikiusap na hiling ni mrs. lopez sa huli kay ethan at parang napaisip naman ang asawa ko bago pumayag sa hiling ng ina.
"sige po ma, doon nalang ho tayo mag usap sa terrace"
wika ni ethan at nagtuloy nga ang mag ina sa terrace para mag usap.
************************************
"THANK YOU, GRACE.."
pasasalamat ni mama sa asawa ko pagkatapos mailapag ni grace ang meryendang inihanda para saming mag ina. tipid namang ngumiti lang si grace at pagkatapos ay umalis siya agad upang makapag usap kami ng masinsinan ni mama.
"so? ano po ba ang pag uusapan natin ngayon ma? importanteng importante po ba?"
agad kong tanong kay mama nang makaalis si grace. huminga muna ng malalim si mama sa tanong kong yun bago nagsalita.
"ahmm.. son.. alam kong hindi ka pa handang pag usapan ang tungkol sa bagay na gusto kong pag usapan natin ngayon.. but.. naisip ko kasi.. hindi naman tayo sigurado kung kailan darating ang iba mo pang memorya so----"
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomantikSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...