"Grace, are you okay? anong nangyayari sayo?"
nagaalala kong tanong sa asawa ko nang makita kong parang takot na takot ang hitsura nito.
"baby.." muli ay untag ko sa kaniya nang hindi pa din ito umiimik at parang wala sa sarili
"ha?" tanging nasabi lang ni grace sabay tumingin ito sakin.
"ano ba ang nangyayari sayo? masama ba ang pakiramdam mo o---"
"ah e. ano kasi.. b-bigla kasing nag blurred ang paningin ko.. sumama ang pakiramdam ko.."
sagot ni grace at sa tingin ko, mukha ngang hindi talaga okay ang pakiramdam nito..
"nag blurred ang paningin mo? g-gusto mo dalhin na kita sa hospital? baka kung ano na yan?"
nag aalala kong tanong sa aking asawa ngunit tumanggi lang siya.
"huwag na ethan. a-ayos lang ako.. ahhmm. normal lang talaga kung minsan sa mga buntis ang ganito.. ah baby, puwede bang sa kuwarto nalang ako? ang ibig kong sabihin e, magpapahinga nalang muna ako.. napagod kasi ako sa biyahe e.. itong mga maleta at gamit natin. mamaya ko nalang aayusin ang mga 'to ha.."
"okay lang baby, dont worry, ako na ang bahala sa mga maletang 'to.. halika at sasamahan na kita sa kuwarto para makapagpahinga kana.."
wika ko sa aking asawa at inalalayan ko na nga ito papunta sa aming kuwarto. nang makarating kami dun. tinulungan ko si grace na makahiga sa kama at ako na mismo ang nagtanggal ng sandal na suot niya.
nang makahiga na nga si grace at makumutan ko siya. umupo lang ako sa tabi nito habang hawak ko ang nanlalamig na kamay niya.
"are you sure, normal lang talaga sa buntis yang nangyayari sayo? baka mas maganda kung dalhin na kita ngayon sa hospital para macheck up ka ng mga doktor. alam mo na, para makasigurado tayo"
muli ay anyaya ko sa aking asawa na dalhin siya sa hospital dahil sa aking pag aalala.
"okay lang ako ethan.. huwag ka ng mag alala, lilipas din ito maya maya"
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomantikSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...