"OH, HI ETHAN! what a lovely surprise! nandito ka. alam mo hin---"
"bitawan mo'ko!"
mariin kong utos kay angela sabay marahas na tinanggal ang mga kamay nitong nakahawak sakin nang akmang yayakapin ako nito.
kanina, nang matapos kong tignan ang lahat ng mga litratong in-email sakin ni angela. agad akong umalis ng opisina dahil sa aking galit at upang sugudin ito ngayon sa bahay niya.
alam ko kung saan nakatira si angela dahil nang minsang tumawag ito sakin noon, nabanggit nito sakin kung saan siya nakatira at tinext pa sakin ang complete address nito para puntahan ko daw siya.
oo, may amnesia pa ako that time at nag iba ang nadarama ko noon para kay angela. pero hindi sumagi sa utak ko ang patulan siya dahil alam kong pamilyadong tao nako at imporante sakin ang mag ina ko.
"look, hindi ako nandito para sa mga kabaliwan mo okay? nandito ako para sabihin sayong tantanan mo na kami ng asawa ko. ikaw ang nagsend sakin ng mga pictures kanina diba?"
tiim bagang kong wika at tanong kay angela.
"a-anong picture? what are you talking about? im sorry ethan pero wala akong alam diyan sa sinasabi mo"
pagkakaila pa sakin ni angela gayung kitang kita ko naman sa mga mata nitong nagsisinungaling siya.
"puwede ba angela! huwag kana ngang mag maang maangan pa. alam ko at ikaw lang ang puwede kong isipin na puwedeng gumawa nun. ikaw ang nag send sakin ng mga pictures sakin kanina para sirain kami ng asawa ko diba?"
"sigurado ka ethan, ako lang? bakit hindi mo kaya subukang puntahan at tanungin din ang kapatid mong si enzo.. diba, nakasama siya ng asawa mo? malay mo naman, siya ang nagsend sayo ng mga pictures na yun para sirain kayong mag asawa dahil may gusto kay grace ang half brother mo. nang sa ganun kapag nasira nga niya kayo. malaya na siyang ibigin ang asawa mo"
"how dare you! hindi mo na kailangang sabihin pa sakin ang tungkol sa pagsasama nilang yun dahil alam ko na ang tungkol sa bagay na yun. huwag ka ng mag abalang gumawa pa ng kung anu anong kuwento tungol dun dahil kahit ano pang sabihin mo at gawin mo. hinding hindi ako maniniwala sayo. alam mo hindi ko talaga lubos maisip kung ano ba ang nakain ko nun at nagawa kong patulan at magmahal ng isang babaeng katulad mo. pasalamat nalang talaga ako at hindi natuloy ang kasal natin nun. dahil kung nagkataong natuloy pala yun at naging asawa kita. malamang miserableng miserable na ang buhay ko ngayon dahil wala kang kuwentang babae, at hindi lang yun. baliw kapa!"
pagkatapos ng sinabi kong yun kay angela. isang napakalakas na sampal naman ang pinadapo nito sa pisngi ko. ako naman, sa aking galit sa ginawa nitong yun. marahas kong hinaklit ang braso nito at sinabing...
"damn you! sinisigurado ko sayong ito na ang kahuli huliang beses ng pananampal mo sakin angela. dahil kung hindi. once na gawin mo pa uli sakin yun. idadagdag ko yun sa mga kasong isasampa ko sayo! tandaan mo yan! magkita nalang tayo sa korte!"
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...