SINO ang mag-aakala na ang isang boss na kagaya ni Ethan at ang isang empleyada lang na katulad ko ay magiging magkaibigan. hindi ko lubos maisip na dati lang ay ang sungit-sungit niya sakin pero ngayon ay okay na kami. hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya at bakit bigla nalang siyang naging mabait sakin?
sa totoo lang nalilito rin ako sa ikinikilos ni ethan kapag magkasama kami. may time kasi na mahuhuli kong nakatitig lang siya sakin o di kaya ay magkakatitigan nalang kami. minsan sa pananalita rin niya, may mga nasasabi siyang nalilito ako kung bakit niya nasabi yun? kagaya nalang kanina nung nasa grocery store kami. natulala nalang ako ng sinabi niya saking hahalikan ako. hindi ko alam kung joke lang ba yun o totoo talaga. kanina naman nung nasa parke kami sinabi rin niyang espesyal ako sa kaniya. hindi ko rin alam kung ginu-good time ba ako ni ethan o seryoso ba siya?
sa isang banda naisip ko naman. kung seryoso siya? paano nangyaring ang isang katulad niya ay magkakagusto sa isang katulad ko? sa lalakeng katulad ni ethan na isang boss sa isang malaking kompanya, mayaman, matalino at saksakan ng guwapo, magkakagusto sa isang katulad kong well.. simple lang sa lahat ng bagay, kagaya nalang sa pamumuhay. hindi ako mayaman, hindi ako sobrang kagandahan, simple lang akong manamit, minsan jologs pa nga. kumbaga normal lang at higit sa lahat empleyada pa niya.
maybe yung mga nasabi sakin ni ethan ay joke lang yun at ang mga ginagawa niya para sakin e bilang isang kaibigan lang. pero kahit ganun pa man. hindi ko pa rin talaga maiwasang kiligin sa mga ginagawang yun ni ethan sakin. sa tingin ko hindi ko lang siya crush kundi mahal ko na siya. kung tutuusin hindi naman talaga siya mahirap mahalin. hindi dahil sa guwapo siya kundi alam kong mabait siyang tao kahit pa man may pagka-masungit siya.
haiistt.. alam kong mahirap magmahal ng taong hindi mo sigurado kung mahal ka rin niya o hindi ka mahal. alam kong masasaktan lang ako sa nararamdaman kong pagmamahal kay ethan dahil alam kong wala namang posibilidad na magkagusto rin siya sa isang katulad ko, pero wala e.. hindi ko na talaga kayang pigilan pa ang sarili ko.
the more na nakikita ko, nakakausap at nakakasama siya. is the more na napapalapit at napapamahal siya sakin. haaaaaay.. masuwerte talaga ang babaeng mamahalin niya. ang babaeng mag-mamay-ari ng puso niya pagdating ng araw.
and im sure. hindi ako yun. aasa pa ba ako e hindi naman kami bagay ni sir ethan. kumbaga langit siya at lupa naman ako. hindi kami puwede, hindi kami bagay. masakit mang aminin o isipin pero yun ang totoo. at saka ni sa panaginip alam kong imposible na magkakagusto siya sa isang babaeng katulad ko.
****************************************
"tapos na akong magluto. handa na ang mesa, kakain na tayo"
bungad na sabi ni grace paglabas niya galing kusina.
"ang baho ko, amoy ulam nako" sabi uli ni grace habang inaamoy ang sarili nang nasa hapag kainan na kami. pagkatapos ay sinimulan nitong bigyan ng pagkain muna si botsok at nang matapos sa bata. ako naman ang binalingan.
"wait.. mauna nalang muna kayo" sabi ko ngunit tumanngi siya. binigyan pa rin niya ng kanin at adobong manok ang plato ko sabay sinabing ubusin ko raw yun.
"mauubos ko ba ito lahat? e ang dami mong nilagay sa plato ko, ni wala ng natirang space ah" kunway pagrereklamo ko habang nakangiti. napabungisngis naman si grace sakin at ngingiti-ngiti sabay sabing..
"kaya mo yan. kalalake mong tao hindi mo kaya. usually ang mga lalake matakaw kumain kaya ano kaba? you can do it baby!"
napangiti ako lalo sa sinabi niyang huli dahil parang pinaarte pa nito ang boses sabay tumingin sakin ng parang nang-aakit. ewan ko ba nung ginawa ni grace yun parang kinilig ako na ewan at muli ay bumilis ng bumilis ang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...