CHAPTER 22

1.8K 50 0
                                    

Pagkatapos ng eskandalong ginawa ni mama kanina kay grace

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkatapos ng eskandalong ginawa ni mama kanina kay grace. kinagabihan, agad kong niyaya si drew na makipagkita sakin sa pub para mag-inuman. gusto ko lang ibuhos sa alak ang sama ng aking loob dahil sa nangyari kanina. masama ang loob ko na hindi matanggap ni mama si grace. hindi ko talaga alam kung bakit napakahirap para sa kaniya ang maging masaya nalang para sakin. i mean. saming dalawa ng babaeng mahal ko.

alam kong ina ko siya at utang na loob ko sa kaniya na nandito ako ngayon sa mundo. but damn! masasabi ko talagang napaka-selfish ni mama dahil wala siyang ibang inisip kundi ang sarili niya o ang makakapagpasaya sa kaniya.

dati nung nabubuhay pa si daddy. lagi rin niyang mina-manipulate ito sa lahat ng bagay. hindi basta-basta gagawa ng desisyon ang daddy ko nun hangga't walang approval ni mama. kahit sakin ganun din si mama mula pa nung bata ako. ang gusto palagi ng aking ina. siya ang masusunod. sa totoo lang nakakasakal, nakakasawa at nakakawalan na ng pasensiya ang ginagawang yun ni mama sakin.

kaya naman kahit masakit para sakin ang saktan siya dahil sa pagsuway ko sa kagustuhan uli niya. ginawa ko pa rin ang bagay na ayaw nito. dahil pagod na pagod na talaga ako sa kaniyang mga kapritso at gusto ko rin naman maging masaya.

to be honest. natatakot rin naman ako sa puwedeng gawin ni mama. natatakot ako sa mga maaring gawin niya para paghiwalayan kami ni grace. hindi ko alam kung ano ang mangyayari sakin kapag nangyari yun. i mean. ang mawala sakin si grace. baka tuluyan na akong mabaliw talaga kapag nangyari uli sakin yun.

ang iwanan ako ng babaeng mahal ko.

well.. yung kay angela noon.. iniwan niya ako dahil sa pangarap nitong maging isang sikat na sikat na model. aaminin ko, nasaktan talaga ako sa pang-iiwan niya sakin sa mismong araw pa ng kasal namin. pero mas masakit para sakin ang iniwan niya ako ng ganun lang kaysa sa dahil mahal ko siya.

narealize ko rin ngayon na hindi pala ganun katindi ang pagmamahal na nadarama ko para kay angela noon. malaki ang kaibahan ng nadarama ko kay angela noon kaysa ngayon kay grace. kasi kay grace, pakiramdam ko. lahat kakayanin kong gawin para sa kaniya.

kay angela naman. yung mga time na kami pa at nung na nag-li-live in pa kami. hindi ako nakaramdam ng ganito katinding pagmamahal na katulad ng kay grace sa kaniya. i mean.. nung mga time na yun. kahit palagi naming sinasabi ni angela ang salitang i love you sa isat-isa. parang wala lang sakin yun. para may masabi lang.. dahil nga boyfriend niya ako at girlfriend ko naman siya.

kapag nagtatalik rin kami ni angela. wala akong ibang maramdaman kundi ang kutentuhan lang sa pangangailangan ko sa kaniya bilang lalake but love? well.. mahal ko rin naman siya pero hindi ganun katindi.

at ang weird pa, hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa utak ko na nagawa ko pa ri'ng magpropose ng kasal sa kaniya. gayung hindi naman ako kuntento sa relasyon naming dalawa. kahit siya ganun din. alam ko namang hindi rin siya kuntento sa kung anong meron kami pero tinanggap pa rin niya ang proposal ko na magpakasal kami.

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon