"HAPPY BIRHTDAY TO YOU, happy birthday to you!"
pagkanta ng isang pamilyang nagse-celebrate ng birthday na medyo malapit sa puwesto namin ni grace. kinakantahan nila ng birthday song ang baby ng mga ito na nasa edad dalawang taon. kasalukuyan kaming nasa isang fast food restaurant ni grace at kanina ko pa napapansin ang pagtitig nito sa pamilyang yun.
"Grace, are you okay?"
tanong ko nang makita kong parang malungkot siya at napapaiyak habang nakatitig sa kanila.
agad namang napasulyap sakin si grace at pilit na ngumiti sabay pinunasan ang luhang tumulo sa kaniyang pisngi.
"baby what's wrong? may masakit ba sayo?"
nag-aalala ko namang tanong nang makita ko ang pag-luha ni grace sabay ginagap ang kamay niya at marahang hinaplos ang pisngi nito.
huminga muna ng malalim si grace bago sumagot sa tanong ko.
"naaalala ko lang yung nanay ko. namimis ko siya..."
"i see.. kaya ba ganun na lamang ang pagtitig mo sa kanila?"
tanong ko nang malamang yun pala ang dahilan kung bakit ganun na lang ang pagtitig ni grace sa pamilyang yun.
"oo.... namimis ko kasi ang nanay ko e.. gustong-gusto ko siyang makita ethan.. pero kahit sa panaginip ko man lang, hindi ko talaga siya makita. ang malas lang diba? kasi hindi ko na nga siya nakasama. tapos, ang makita siya sana kahit sa litrato man lang e wala pa"
huminga si grace sa kaniyang huling sinabi sabay tumulo uli ang kaniyang luha.
"baby, sshhh.. huwag ka ng umiyak okay. alam mo namang nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak diba?"
pang-aalo ko kay grace habang pinupunasan ng mga daliri ko ang luha sa pisngi niya.
"pasensiya kana ethan, hindi ko lang kasi mapigilan. sa tuwing birthday ko nagkakaganito talaga ako kasi naaalala ko siya.."
umiiyak niyang wika sakin at ako naman ay napakunot-noo sa sinabi nito.
"what do you mean grace? birthday mo ba ngayon?"
natigil naman si grace sa tanong kong yun at pagkalipas ng ilang segundo tumango ito.
ako naman ay biglang nainis sa nalaman kong yun, dahil hindi man lang sinabi sakin ni grace agad na birthday pala niya ngayon. kung hindi pa siguro nito makikita ang pamilyang nagse-celebrate ngayon na malapit saming dalawa e wala siguro itong balak na masabi yun sakin o ang madulas ang dila niya.
"ethan galit kaba?" tanong ni grace nang makitang sumeryoso ang mukha ko.
" bakit hindi mo man lang sinabi sakin na birthday mo pala ngayon, para nakapag-celebrate din tayo? ni hindi man lang ako nakabili ng regalo para sayo?"
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
عاطفيةSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...