CHAPTER 51

1.3K 40 8
                                    

"ETHAN... tamang-tama ang dating mo, katatapos ko lang magluto ng paborito mong pork chicken adobo"

salubong ko kay ethan habang pinagbubuksan siya ng aming gate. sinalubong din naman ako ni ethan agad ng isang mariing halik sa aking labi sabay niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.

"i love you, baby"

anito sakin pagkatapos naming magyakap at ibig kong magtaka sa hitsura nito ngayon na malungkot.

"baby okay ka lang ba? kamusta na ang pag-aaply mo ng trabaho kay sir fernand kanina?"

"ayos lang ako. yung kay tito nakapag-usap na kami. itong week na ito, mag-uumpisa na 'ko sa kaniya ng trabaho"

sagot ni ethan sabay sinabi na rin kung ano ang magiging trabaho niya sa kompanya ng tito nito. mamaya ay magsasalita na uli sana ako nang mapansin kong nagdudugo ang kamao nito at nag-aalala naman akong agad na tinanong kung ano ang nangyari dun?

"wala 'to, nabadtrip lang ako kanina sa.... dun sa pag-aaway uli namin ni mama regarding sa mga accounts ko"

"ha? nag-away uli kayo? sinugod mo ba uli siya sa opisina niya o siya ang----"

"baby, it's a long story. and besides ayoko ng ikuwento pa sayo kung paano kami nag-away uli ni mama ngayon at nakakainis lang"

katuwiran ni ethan at naisip kong siguro nga huwag ko nalang siyang usisain pa sa pag-aaway nila ng kaniyang ina, dahil baka mas lalong ma-badtrip at malungkot lang si ethan sa gagawin kong yun sa kaniya. hindi lang yun, baka mainis din siya sakin dahil sa kakulitan ko. nanahimik nalang ako at niyaya nalang si ethan sa loob ng bahay namin upang gamutin muna ang kamao nitong nagdurugo bago kami kumain.

"agh!" daing ni ethan sa nasaktan niyang kamao habang pinupunasan ko yun ng bulak na may alcohol. nag-sorry naman ako sa kaniya dahil dun at agad kong inihipan ang kamao nitong nasaktan.

"baby, wala kang pasok bukas sa trabaho mo, diba? naalala ko, nabanggit mo sakin nung isang araw na day-off mo bukas"

tanong ni ethan sakin kapagkuwan habang nilalagyan na ng bandage ang kamao nitong nasugatan.

"ah oo, day off ko nga bukas. may pupuntahan ba tayo?" sagot ko naman

"wala lang.."

tanging sagot lang nito sabay bumuntong hininga.

at makalipas ang ilang segundo.. muling nagsalita si ethan.

"grace, ang totoo niyan, may sasabihin sana ako sayo e"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"grace, ang totoo niyan, may sasabihin sana ako sayo e"

mula sa sugat ni ethan na nilalagyan ko ng bandage. agad akong napasulyap sa kaniya at tinanong siya.

"m-may sasabihin ka sakin? tungkol saan naman?"

kunot-noo kong tanong at napakagat labi naman si ethan bago sumagot.

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon