CHAPTER 87

1.2K 43 1
                                    

PARAISO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PARAISO... yan ang perfect definition ng lugar na pinuntahan namin ni ethan.. sobra ang ganda ng resort na pinuntahan namin dito sa palawan. pagdating na pagdating pa lang namin dito kanina.. para bang lahat ng mga problemang dala dala ko ay biglang nawala dahil sa mala-paraisong lugar na pinuntahan namin ng asawa ko lalo pa at kasama ko siya.

anyway, ngayong gabi mag di-dinner date kami ni ethan at talaga nga naman habang naglalakad kami ngayon papunta sa restaurant na kakainan namin habang magkahawak kamay. hanggang ngayon kay tinding kilig pa din talaga ang nadarama ko kapag ganun kami nito.

ang kilig na palagi kong nadarama simula nung nainlove ako kay mr. masungit na'to.. oo, masungit dati si hubby pero ngayon kahit papanu hindi na masyado.

"ah baby, sigurado kaba talaga na dito yung restaurant na kakainan natin? bakit yata madilim? parang wala atang tao sa loob oh, ang ibig kong sabihin, walang customer?"

agad kong tanong kay ethan nang papasok na kami sa madilim na restaurant na yun.. well, hindi naman masyadong madilim. panay kandila ang ilaw naroon at mukha atang nagtitipid sa kuryente ang may ari ng restaurant na yun. hindi man lang magsindi ng kahit isang bombilya para naman lumiwanag kahit papanu.

"yup, dito talaga yun.. don't worry makikita mo at malalaman mo din kung bakit ganito dito ngayon"

sagot ng asawa ko at nang magsasalita na sana uli ako para magtanong.. hindi ko na naituloy yun dahil napatda ako sa nakita ko..

may pasabog na sorpresa na naman pala sakin ang asawa ko!

isang napaka ROMANTIC at PERFECT DINNER pala ang inihanda nito para saming dalawa.

well, panay candle lights pa rin naman ang nakikita ko, pero madaming madami yun at masasabi kong napaka ganda ng mga kandilang yun para sa dinner date namin ng aking asawa. ang isa pa sa nagpapaganda sa naturang lugar ay ang mga nagdadamihang bulaklak na talaga namang sobra ang ganda.

sa aking nakikita ngayon parang gusto ko na namang mapaiyak dahil ramdam na ramdam ko kung gaano ako ka-espesyal sa asawa ko sa ginawa nitong yun. kaya naman sa aking nadarama ngayon. napayakap nalang ako kay ethan ng mahigpit sabay dinampian ito ng mabining halik sa labi.

"do you like it?"

tanong ni ethan nang magkalas kami sa aming pagkakayakap..

"sobra.. alam mo ikaw baby, ang dami mong pasabog na sorpresa ngayon. dapat sinabi mo sakin para nakapagdala ako ng isang box na tissue. pinapaiyak moko lagi ngayon sa tuwa e"

umiiyak kong wika dahil nga sa tuwa.

"e bakit ko naman sasabihin. sorpresa nga diba?"

ngingiti ngiting katuwiran naman ng asawa ko sabay inaya na ako nitong maupo sa nakahandang mesa para saming dalawa.

nang makaupo na kaming mag asawa. may sinenyasan lang sa kung saan si ethan at doon naman lumapit ang isang lalaking waiter samin na siyang tinawag niya..

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon