KANINA PA ako paroo't-parito sa hallway ng hospital, yakap ang aking sarili at panay lang ang iyak ko habang nasa emergency room si ETHAN.
kahit galit ako sa nagawa niya sakin. hindi ko din naman maiwasang mag-alala para sa kaniya. kaya naman ngayon, panay lang ang usal ko ng dasal na sana maging maayos na siya. na sana ligtas si ETHAN at walang matinding pinsala ang nangyari sa katawan nito dahil sa pagkakasagasa sa kaniya.
huminga ako ng malalim sa aking nga iniisip at naupo muna ako sa isa sa mga upuan sa waiting area.
habang naghihintay na lumabas ang doktor na sumusuri at gumagamot kay ethan. nagulat na lamang ako sa biglaang pagsulpot ni mrs. lopez kasama ang babaeng ahas at agad akong sinugod ng ina ni ethan ng isang napakalakas na sampal!
agad din naman siyang inawat ng ex-fiancee ni ethan.
"anong ginawa mo sa kaniya ha?! anong ginawa mo sa anak ko?! kapag may nangyaring masama sa anak ko. magbabayad kang babae ka!"
nanlilisik ang mga matang wika sakin ni mrs. lopez habang inaawat siya ni angela na sugudin ako.
"mrs. lopez, sa maniwala man po kayo sakin o sa hindi. hindi ko po ginustong masagasaan si ethan.. hindi ko po sinasadya. mahal na mahal ko po ang anak ninyo.."
umiiyak kong pahayag sa ina ni ethan ngunit parang mas lalo lang siyang nagalit sa sinabi kong yun.
"ah talaga! hindi mo sinasadya! puwes! ni sinadya mo man o hindi! magbabayad ka pa rin sakin grace. kapag may masamang nangyari kay ethan. pagbabayaran mo talaga ang ginawa mo sa kaniya!"
"tita tama na po. nakakahiya na sa mga taong nanunood satin ngayon. puwede ba'ng huminahon nalang muna tayo at magdasal nalang, alang-alang kay ethan"
sabi naman ng babaeng ahas kay mrs. lopez habang pinipigilan ito at ako naman hindi ko maiwasang tignan ng makahulugan si angela habang sinasabing...
"oo, alang-alang lang talaga kay ethan.. alang-alang lang talaga sa kaniya, mananahimik nalang muna ako at magdadasal para sa ikaliligtas niya. ipagdadasal ko na rin ang taong dahilan kung bakit nangyayari 'to ngayon. na sana lang din, maisip niya kung gaano kalaking gulo ang nagawa niya at kung gaano siya nakasakit ng kapuwa niya para lang sa pansariling kaligayahan niya"
wala akong pakiilam kung tinamaan man ang babaeng ahas sa sinabi ko. kung tutuusin malaki ang kasalanan niya kung bakit nangyayari ito ngayon. kung hindi dahil sa kaniya. hindi kami mag-aaway ni ethan ng sobra-sobra dahil lang sa kalandian niya!
ganun pa man, hindi umimik si angela sa sinabi ko na yun at hindi rin siya makatingin sakin ng diretso. tinamaan siguro ang walanghiyang babae at nagi-guilty ata sa kagagahan nito. yun ay kung nagi-guilty nga ang bruhang AHAS talaga!
samantala, si mrs. lopez ang nag-react sa sinabi kong yun. sa halip na si angela.
"at ano ang ibig mong sabihin sa sinasabi mo na yun ha babae ka?! pinapalabas mo ba na---"
hindi na naituloy ni mrs. lopez ang kaniyang sasabihin pa sana nang biglang lumabas mula sa emergency room ang doktor na sumuri at gumamot kay ethan.
kami namang tatlo ay tumahimik muna sa aming pagtatalo upang pakinggan ang sinasabi ng doktor. sinabi ng lalakeng doktor na nasa maayos ng kalagayan si ethan at wala kaming dapat ipag-alala sa kaniya.
nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabing yun ng doktor.
at nang umalis nga ito. agad akong hinarap ni mrs. lopez at sinabing..
"oh? ano pa ba ang ginagawa mo dito? ano pa ang hinihintay-hintay mo diyan? umalis kana at hindi ka namin kailangan dito"
"pero mrs. lopez, puwede ko po ba'ng makita muna si ethan bago ako umalis? gusto ko lang naman makita ang kalagayan niya kung---"
"bingi ka ba? hindi ba't alam mo naman na kung ano ang kalagayan ng anak ko ngayon. kaya bakit kailangan mo pa siyang makita? at saka grace, pagkatapos ng ginawa mong ito sa anak ko. sa tingin mo ba pahihintulutan pa kitang makita ang anak ko ngayon? of course not, my dear.. kaya please umalis kana at hindi ka namin kailangan dito ni angela"
sa sinabing yun ni mrs. lopez gusto kong maawa sa sarili ko at mas magalit na din at the same time, dahil kung sino pa ang siyang tunay na dahilan o ugat kung bakit nangyari ito, ay siya pa talaga ang mas may karapatan na manatili at makita si ethan ngayon.
sa mga oras na ito. gusto kong sabunutan ng todo at pagsampal-sampalin si angela at sabihin din'g ahas talaga siya! ang kapal-kapal ng mukha niya! pero para saan pa ba ang gagawin kong yun? wala naman akong mapapala at hindi naman mababawasan nun ang galit na nadarama ko ngayon.
"so ano grace? hindi ka pa ba aalis? o gusto mo pang kaladkadin kita palabas ng hospital na ito?"
muli ay wika ni mrs.lopez sakin at ako naman ay napaiyak ng todo sabay nakiusap uli, kung puwede akong manatili kahit saglit lang upang makita si ethan, ngunit panay lang ang tanggi ni mrs. lopez sa hiling kong yun.
"mrs.lopez, nakikiusap po ako sa inyo. parang awa niyo na. gusto ko lang pong makita si ethan.."
"umalis kana grace bago pa uli kita masaktan at tuluyan na kitang makaladkad paalis sa lugar na ito. hindi ka kailangan ni ethan.. dahil ako lang at si angela ay sapat na, para tignan siya at para na rin mag-alaga sa kaniya. umalis kana at huwag na huwag kang magkakamaling bumalik dito upang dalawin ang anak ko or else hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo!"
"mrs. lopez----"
"get out!"
galit na galit na sigaw sakin ng ina ni ethan sabay hinaklit ako nito sa aking braso at itinulak paalis..
wala akong nagawa kundi ang umalis na sa lugar na yun at babalik na lang ako kapag may pagkakataon upang makita si ethan.. oo galit ako sa kaniya. pero hindi ko pa rin naman kayang tiisin ang nangyaring ito ngayon kay ethan.
bahala na...
ang mahalaga sakin ay ang makita ang lalakeng minahal ko kahit pa man gaano kasakit sakin ang ginawa niya....
martyr? siguro nga..
tanga? ganun na nga..
pero ano ang magagawa ko. nagmamahal lang naman ako ng sobra. kaya naman kahit magmukha na akong martyr o tanga sa aking ginagawa.
pangangatawanan ko na... gagawin ko dahil sa mahal na mahal ko si ethan kahit pa man sinaktan na ako nito.
sa totoo lang hindi ako ganito. hindi ganito ang pananaw ni gracielyn manalo noon sa pag-ibig. pero dahil sa nagmahal ako ng sobra kay ethan at hindi ko siya kayang iwan. nagiging tanga ako at martyr kahit pa man niloko na niya ako..
ang matinding galit ko kanina ay biglang napalitan ng matinding pag-aalala kay ethan dahil sa nangyaring aksidente sa kaniya.
nang dahil sa aksidenteng yun. narealize kong, hindi ko kakayanin kapag nawala siya.
hindi ko kaya...
talagang hindi ko kaya. kahit pa man tawagin na akong sobrang tanga sa pag-ibig TALAGA...
:(
************************************
A/N: Pasensiya na mga readers kung maiksi lang ang chapter na ito. bukas nalang yung iba para naman may thrill hehe. well, atleast nalaman na ninyo na ayos ang kalagayan ni ethan at hindi po siya nagka-amnesia hikhik.. ganun pa man, marami pa ding pasabog ang mangyayari sa kanilang dalawa at talaga nga namang iiyak po ng sobra ang mga bida natin... maraming salamat po sa pagsuporta ninyo sa story kong ito. tnx po at appreciate much ko po talaga. abangan niyo nalang po bukas ang next update ko. GOD BLESS!
WRITING_LOVE_STORY
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
Storie d'amoreSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...