CHAPTER 14

2.6K 74 1
                                    

"May gusto ka sa babaeng yun Ethan, tama ba 'ko?"

agad na tanong sakin ni mama pagpasok na pagpasok pa lamang namin ng elevator paakyat sa floor ng private office ko.

"what do you mean ma?"

kunway tanong ko kahit pa man alam kong si grace ang tinutukoy niya.

"oh son. huwag kana ngang magkaila sakin. anak kita, sakin ka galing, ako ang nagpalaki sayo kaya alam ko kung may tinatago ka. at kahit hindi mo pa man sabihin sakin ang bagay na nararamdaman mo o ano pa, alam ko na. may gusto ka sa babaeng yun diba? ngayon palang didiretsahin at pinapaalalahanan na kita Ethan.. hindi ko siya gusto. and please, stay away from her.."

mariing sabi at ma-autoridad na utos sakin ni mama. ako naman ay napabunga nalang ng hangin sa sinabing yun sakin ng aking ina bago siya sinagot.

"ma please.. alam kong hindi niyo kayang tanggapin ang babaeng katulad niya para sakin but... sa tingin ko, gusto ko na siya"

tahasan kong pag-amin sa aking ina at bigla naman siyang nagalit dahil dun.

"you what?! oh lordy! alam mo ba kung ano ang sinasabi mo ha MATTHEW ETHAN LOPEZ! ikaw na boss sa kompanyang ito, nagkakagusto sa isa niyang empleyada? at hindi lang basta empleyada kundi cleaner pa! mahiya ka naman anak! ano nalang ang sasabihin satin ng mga tao kapag nalaman nila na ang anak ko ay nagkakagusto sa isang walang class na babaeng katulad niya?"

napatiim bagang ako sa sinabing yun ni mama at parang hindi ko matanggap na kaya niyang tawagin ng ganun lang si grace. huminga ako ng malalim dahil sa aking inis na nararamdaman bago nagsalita.

"puwede ba ma? huwag niyo naman sana siyang ibaba ng ganyan. dahil kahit ganun lang si grace, matino siyang babae. at saka isa pa, mas mahalaga paba naman sa inyo ang sasabihin ng ibang tao kaysa sakin na anak ninyo?"

"at kailan kapa natutong sumagot sakin ng ganyan ha Ethan? nang dahil sa babaeng yun nagkakaganyan kana? sabihin mo nga sakin! hindi mo lang siya gusto diba? dahil sa nakikita ko kanina sa inyong dalawa. lalo kana. yung klase ng titig at tingin mo sa kaniya, iba! mahal mo ba siya? mahal mo ba yung babaeng yun?"

"ma please, may pangalan siya."

"the hell i care! wala akong pakiilam kung ano pa ang pangalan niya! answer me! do you love her?! mahal mo ba ang walang class na babaeng yun ha Ethan?!"

"paano kung sabihin ko sa inyong oo mahal ko siya! pipigilan niyo ba ako at ilalayo sa kaniya?" sa sinabi ko at tanong na yun kay mama, kitang kita sa kaniyang hitsura ang galit at parang hindi siya makapaniwalang sakin nga galing ang salitang yun.

"Damn it Ethan! nagkandabuhol-buhol na ba yang utak mo dahil sa sobrang stress ng ginagawa mo sa kompanya natin kaya ka nagkakaganyan ha?! matalino ka naman diba? gamitin mo nga yang utak mo! hindi siya bagay sayo. naiintindihan mo ba ang sinasabi ko ha?"

"at sino sa tingin ninyo ang babagay sakin ha ma? yung klase ng mga babaeng nakaka-date at nagiging girfriend ko noon ganun ba? yung parang katulad ni Angela na galing sa kilalang pamilya at mayaman katulad din natin? ma, importante ba ang yaman o katanyagan ng isang tao kapag nagmahal ka? dapat ba kung magmamahal ako, sisiguraduhin ko na munang magkapareho kami ng estado sa buhay nung babaeng nagugustuhan ko, bago ko siya patulan? ma please... hindi ba dapat maging masaya kana lang sakin ngayon dahil atleast pagkatapos ng napakasakit na nangyari sakin isang taon na ang nakakaraan dahil kay angela. nagawa ko ulit ang magmahal at ang maging masaya dahil dun sa babaeng mahal ko ngayon at si grace yun.."

"kahit ano pa yang sasabihin mo Ethan, wala pa ring magbabago sa isip ko. hindi ko siya gusto. magiging masaya lang ako kung lalayuan mo ang babaeng yun at maghahanap ka ng ibang mas nababagay at karapat-dapat para sayo."

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon