MAG aalas nuwebe na ng gabi nang ako ay makarating dito sa Pad namin ni grace. wala pang isang minuto nang ako ay makarating. hindi pa man ako nakakaupo para magpahinga sandali, nang marinig ko ang isang malakas na sigaw ng asawa ko.
sa gulat kong yun at pag aalala na rin. agad kong hinanap si grace.
natagpuan ko si grace sa loob ng banyo at ganun na lamang ang matinding pag aalala ko nang makitang dinudugo ito!
"Grace!"
sambit ko sa pangalan ng aking asawa sabay nagmamadaling lumapit ako sa kaniya. namumutla ang asawa ko at panay ang iyak nito dahil sa nangyayari.
"Ethan. yung baby ko. yung baby natin. hindi siya puwedeng mawala. hindi puwedeng mawala ang baby ko sakin. hindi puwede"
naghy-hysterical ng wika ni grace sakin.
ako naman ay walang sabi sabing binuhat ang asawa ko upang agad siyang madala sa hospital.
"everything's gonna be okay.. it's alright grace.. hindi siya mawawala. hindi mawawala ang baby natin, i promise.."
pang aalo ko sa asawa ko habang lulan na kami ngayon ng sasakyan ko.
habang nagmamaneho. manaka naka kong hinahaplos si grace sa kaniyang noo at braso na para bang makakatulong ang ginagawa kong yun sa kaniya.
namumutla ang hitsura ni grace ngayon at namimilipit din siya sa sobrang sakit habang hawak ang kaniyang puson.
"ETHAAAAAANNN! ayokong mawala sakin ang anak ko. siya lang ang nagbibigay lakas at inspirasyon sakin ngayon. hindi siya puwedeng mawala sakin. please, ayokong mawala ang anak ko"
umiiyak na wika ni grace habang namimilipit sa sakit. ako naman ay walang magawa kundi ang aluin siya ng aluin at sabihing magiging okay lang ang lahat hanggang sa makarating kami nito sa wakas sa HOSPITAL.
agad naman kaming dinaluhan ng mga nurse at doktor nang makita kami. makalipas ang ilang minuto. ngayon ay nasa EMERGENCY ROOM na si grace at ako naman ay nasa waiting area lang, naghihintay at umaasang ligtas sana ang mag ina ko.
habang naghihintay panay lang ang usal ko ng dasal na sana ayos lang si grace. na sana ligtas ang baby naming dalawa.
OH DEAR GOD, PLEASE! ILIGTAS NIYO PO ANG MAG INA KO!
naiusal ko dahil sa matinding takot na nadarama ko.
oo natatakot ako. kahit pa man sabihing napaka complicated ng sitwasyong meron kami ni grace ngayon. importante pa rin naman sakin ang mag ina ko. kapag may nangyari sa kanila. hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Makalipas ang halos isang oras kong paghihintay. nang lumabas sa wakas ang doktor na gumamot at sumuri kay grace, agad akong lumapit sa kaniya at nagtanong tungkol sa kalagayan ng asawa ko.
"Dok, how is she? k-kamusta na ho ang mag ina ko? okay lang ba sila? ang baby ko?"
sunod sunod kong tanong sa lalakeng doktor.
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...